Danica Sotto worried of ending up like her parents

IMAGE 0


Says Danica offiance Marc Pingris, "Iyong love ko kay Marc, everyday ay parang dumadagdag e...basta ang napi-feel ko, every day ay dumaragdag ang pagmamahal ko sa kanya."


Inamin ni Danica Sotto na nagkaroon siya ng agam-agam sa planong pagpapakasal nila ng boyfriend niyang PBA cager na si Marc Pingris. Ayon kay Danica, nakaramdam siya ng takot na matulad din sila ni Marc sa kinahinatnan ng relasyon ng mga magulang niyang sina Dina Bonnevie at Vic Sotto na nauwi sa hiwalayan.

Next year ay nakatakdang ikasal sina Danica at Marc, halos plantsado na nga ang lahat ng major details para sa kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib. Bunga nito, inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Danica sa nalalapit na pagpapakasal.

Ang interview ng PEP kay Danica ay naganap sa taping ng Magpakailanman sa Kamuning, Quezon City noong December 8. Isa si Danica sa panauhin dito together with Mylene Dizon at Jay Manalo at ipalalabas ang nasabing episode mamayang gabi, December 14, sa GMA-7.

Sinabi ni Danica na noong napag-uusapan na nila ni Marc ang ukol sa kasal, hindi siya nakaramdam ng kaba sa posibleng pagtutol nina Dina at Vic sa plano nilang ito, pero kinabahan siya dahil sumagi sa kanyang isip na baka matulad sila sa nangyari sa kanyang mga magulang.

"Iyon yung unang-unang sumagi sa isip ko kaya ako na-jitters," panimula ni Danica. "Kasi hindi lang naman sa mommy at daddy ko lang nangyari iyon, halos sa buong family namin ay ganoon e. Iyong mga tito ko, like si Tito Maru [Sotto, brother of Vic], naghiwalay sila ni Tita Ali [Sotto]. Pati sa mom side ko, ganoon din ang nangyari.

"Pero confident naman ako na iyong mga bagay na iyan, makukuha mo naman iyan sa commitment at saka sa pagdarasal e. Para bang you break the curse. Hopefully, oo, ako ang magbi-break sa curse na iyan," nakangiting pahayag ng 24-year-old na panganay na anak nina Vic at Dina.

Sinabi rin ni Danica ang mga payong natanggap mula sa kanyang mga mahal sa buhay nang namanhikan na si Marc at naitakda na ang kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Mama [Dina], sabi niya, ang importante is you learn how to trust each other at saka si God ay nasa gitna ninyong dalawa. Kasi darating daw ‘yung time na masusuka kayo sa isa't isa, na parang darating ‘yung time na gusto na ninyong kumalas. Pero kapag mayroon nun sa gitna ninyo na tagahila sa inyong dalawa, mayroon at mayroon daw na parang konsensiyang nagsasabing parang ‘Bumalik ka, bumalik ka.' Parang ganoon daw," kuwento pa ng nakatatandang kapatid ni Oyoboy Sotto.

"At saka iyung foundation namin ay magiging matibay. Kumbaga, kung mababaw lang ang pundasyon namin, parang madaling sabihin na okay lang, iwanan ko na siya. Pero kahit gaano ka kagalit, gaano ka kapikon, maiisip mo na ito yung aming pinagdaanan, blah, blah, blah...So, ganoon yung payo ni Mama," dagdag pa niya.

"Kay Daddy [Vic], sobrang simple lang. Halos kapareho rin ng kay Mama, pero ang pinakahirit niya is, ‘Kapag naghiwalay kayo, huwag na kayong magpapakita sa akin!' Maigsi lang, pero matindi, hindi ba?" natatawang saad niya.

"Si Oyo naman, sabi niya, kahit 6' 5" siya [Marc], kapag niloko raw ako ay uupakan niya ‘yon!" pahabol pa ng young actress-singer habang bumabanat ng malulutong na halakhak.

Idinagdag pa ni Danica na napagtanto niyang si Marc na ang Mr. Right para sa kanya dahil na rin sa mga pinagdaanan nila at sa kakaibang nararamdaman niya para sa binata.

"Kasi parang ganito ‘yan e, madalas kaming mag-away talaga ni Marc. Pero kahit minsan, hindi talaga pumasok sa utak ko na iwanan na siya. Yung ganoon na kahit minsan ay nanggigigil talaga ako at ayaw ko siyang makita kunwari ng ilang araw, pero hindi pumapasok sa isip ko na ayaw ko na. Iyong tipong, parang magigising at magigising ako na siya pa rin ang naiisip ko sa future ko. Sa totoo lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, "Iyong love ko kay Marc, everyday ay parang dumadagdag e. Ayaw kong sabihin na parang maraming-marami, basta ang napi-feel ko, every day ay dumaragdag ang pagmamahal ko sa kanya.

"Si Marc kasi ay malambing, sobrang mabait talaga, wala akong masabi talaga sa kanya na hindi okay. Napakasuwerte ko nga na pinagkalooban ako ng ganoong tao na sobrang maalaga, maasikaso, mabait. Seloso nga lang, pero okay na iyong seloso kaysa naman walang pakialam."

Sinabi pa ni Danica na mag-asawa man siya'y hindi pa rin niya iiwan ang kanyang acting career hangga't may mga dumarating na offers. Gusto raw kasi niyang samantalahin ang pagkakataon habang bata pa siya. Bukod sa pag-aartista, may restaurant din si Danica, ang Danica's Café na isang family corporation.

Isang Christian garden wedding ang gagawing pag-iisang-dibdib nina Danica at Marc early part of next year. Ayaw pang magbigay ng ibang detalye ni Danica dahil ayaw raw niyang magmukhang circus ang espesyal at sagradong araw na ito para sa kanila ni Marc.

Tiniyak lamang ni Danica na ayaw niyang magkaroon ng media coverage ito para maiwasang maging carnival o circus ang naturang okasyon. Balak niya ay magbigay na lamang ng video clips sa mga network na magre-request nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN