Korean superstar Kwon Sang Woo visits Baseco Compound

IMAGE 0


Kwon Sang Woo or "Cholo" to Filipino fans visits the Philippines for the second time.



Two days ding nag-stay sa bansa ang Korean superstar na si Kwon Sang Woo, na mas kilala hanggang ngayon ng mga Filipino fans as "Cholo" ng Stairway to Heaven, matapos ipalabas ang Korean teleserye dito last year sa GMA-7.

Ang pagpunta sa Pilipinas ni Sang Woo, 30, ay may kinalaman sa pagiging endorser niya TheFaceShop—a South Korea-based retailer of body, bath, skin care and make-up products aimed at both women and men—na nagsimulang magkaroon ng branches sa bansa four months ago.

Kasama niyang dumating ang mga executives ng TheFaceShop na sina Jung Woon Ho and COO Tom Kim, as part of TheFaceShop's 2006 Asia Tour dubbed "Christmas in Manila."

Bukod sa TheFaceShop, may isa pang mas mahalagang ginawa rito si Sang Woo. Dumating siya last Sunday, December 17, at kasama ang mga naturang executives ay nagpunta siya sa Baseco Compound in Manila after lunch.

Nag-donate sila ng five houses at namigay ng gifts sa mga batang nakatira roon. Hindi nga raw sumakay si Sang Woo sa limousine na provided sa kanya dahil alam niyang maliit na community ang kanilang pupuntahan.

Nag-stay raw ng three hours doon si Sang Woo at tumulong sa pagpipintura ng mga bahay na nakatayo na roon. Nag-worry nga raw sa kanya ang mga kasama niya and his security group, pero hindi raw iyon pinansin ni Sang Woo dahil nakita niyang mababait ang mga tao roon. Matuwain sa mga bata, hinalikan pa raw ng Korean actor ang mga babies na nasa Gawad Kalinga.

Kahapon, December 18, pagkatapos ng launch ng TheFaceShop sa SM Mall of Asia, si Sang Woo rin ang nag-unveil ng kanyang bronze hand-print sa harap ng store.

Bukas, December 19, early morning ang flight niya pabalik ng Korea. Kung may time daw siya, babalik siyang muli sa Pilipinas para sa Gawad Kalinga, and stay a little longer for his personal pleasure with his family dahil nagustuhan niya ang mga beaches dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Second time na kasi niyang nakabisita sa Pilipinas. Ang first time niya ay nang mag-shoot siya ng isang TV commercial sa Boracay last year.

Bukod sa Stairway To Heaven, ang iba pang drama series ni Sang Woo sa Korea ay Sad Love Story, We Are Dating Now, at Into The Sun.

Isa rin siya sa pinakasikat na male movie stars sa Korea, at ilan sa mga pelikulang nilabasan niya ay: My Girl (2006), Running Wild (2006), Love So Divine (2004), Once Upon A Time in High School (2004), My Tutor Friend (2003), and Make It Big (2002), among others.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN