Yasmien Kurdi backs out from sexy pictorial

IMAGE 0


Yasmien Kurdi (pictured) was replaced by Jennylyn Mercado for the January 2007 issue of Maxim magazine.



Si Yasmien Kurdi ang dapat na cover ng Maxim magazine para sa January 2007 issue at hindi si Jennylyn Mercado.

Naikuwento ni Yasmien nang nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas party ng Hokus Pokus sa Filmex Studio sa Makati City last December 19, na naudlot ang pagpo-pose niya para sa naturang babasahin nang hindi pumayag ang kanyang ina. Ang mga Kurdi ay kasapi ng Iglesia ni Kristo kaya't may pagka-conservative ang kanilang pamilya.

Last November 30 of this year dapat ang schedule ng kanyang pictorial at plantsado na ang lahat subalit hindi ito natuloy dahil tumutol ang kanyang ina.



Mala-Angelina Jolie sa Tomb Raider dapat ang tema ng kanyang isusuot na okey lamang naman kay Yasmien. Sanay kasing magsuot ng ganito dahil madalas mag-surfing at mag-diving ang young actress na produkto ng unang batch ng StarStruck search ng GMA-7.

"Handang-handa na talaga ako para magpa-pictorial. Kasi naman feeling ko talagang kayang-kaya ko na ang mag-pose dahil pumayat na talaga ako. And besides, ‘yung isusuot ko pa ngang outfit e ‘yung karaniwang ginagamit ko kapag nagsa-surfing ako o nagda-diving.

"Ganoon talaga ang tema, ‘yung parang ginamit ni Angelina Jolie sa pelikula niyang Tomb Raider. Hindi naman masyadong sexy, pero naiiba, ‘di ba? Sayang, pero okey lang," ngingiti-ngiting pagbabalita ni Yasmien.

Iginiit pa ni Yasmien na alam niyang carry na niya ang magpa-cover sa Maxim unlike two years ago nang nag-offer ang FHM para i-cover siya. Magde-debut na si Yas sa darating na January 25.

Sinabi rin ni Yas na hindi siya apektado kung may mga pumupuna pa rin sa kanyang katawan.

"Okey lang sa akin kung may mga nagsasabing mataba pa rin ako. Basta I'm happy with what I have now. Kasi tulad nitong sandong ito, before hindi ko ito naisusuot, ngayon naisusuot ko na," wika niya habang hawak-hawak ang sandong suot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka may korte na talaga ang katawan ko ngayon, nakikita na, unlike before na talagang wala. And choice ko talaga kung ayokong mag-diet. Sexy ka nga kung hindi mo naman nakakain ‘yung gusto mo, maraming bawal. Unlike sa akin, I'm happy dahil nakakain ko ang gusto ko at kuntento naman ako sa katawan ko.

"Ang mahalaga kasi ‘yung maligaya ka sa kung anong mayroon ka. Magpapaganda ka nga ng katawan tapos matsitsismis naman na nagparetoke ka, saan ka lulugar? Kaya okey na ang ganito sa akin," paliwanag pa ng young actress.

Samantala, naikuwento ni Yasmien na lalong dapat abangan ng mga manonood ang TV series nilang Bakekang sa GMA-7 dahil mababago na ang takbo ng kapalaran ng kanyang karakter na si Lucring/Charming. Maaaksidente kasi dito si Rita (Lotlot de Leon) at makikilala na niya ng kanyang tunay na inang si Bakekang (Sunshine Dizon).

Tiniyak pa ni Yasmien na dapat abangan ang mga eksenang ito dahil napakaganda raw ng pagkakagawa rito. Muntik-muntikan pa nga raw silang maaksidente nang kunan ang naturang tagpo.

Masaya rin si Yasmien sa takbo ng kanyang career lalo't magaganda ang rating ng kanyang mga programa sa GMA-7—HP (Hokus Pokus) Ibang Level Na at Bakekang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN