Cesar to enter "Ligalig" in film festivals abroad

IMAGE 0


Cesar Montano is very proud that his movie, Ligalig, wasgraded Rated A by the Cinema Evaluation Board (CEB).



Sulit na sulit ang pagod ni Cesar Montano at lahat ng bumubuo ng pelikulang Ligalig dahil nabigyan ito ng Rated A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ibig sabihin nito ay nagustuhan ng mga taga-CEB ang pelikula na pinagbibidahan, idinirek, isinulat at prinodyus ni Cesar. Bukod dito ay makakakuha rin ito ng 100% tax rebate na malaking tulong para sa isang independent producer na gaya niya.


"Si Sunshine [Cruz, misis niya] nga tuwang-tuwa kasi siya itong nangarag sa lahat during production. Siya kasi ang line producer ng pelikula," masayang kuwento ni Cesar sa meeting ng Enpress (Entertainment Press Society Inc.) kahapon, December 21, sa Baliwag Grill and Restaurant sa E. Rodriguez Ave., Quezon City.



Dagdag pa niya, "Tapos siya pa ang bidang babae kaya tensyonada [siya] sa set. Hindi na nga ako kinakausap minsan kasi pagod na pagod daw siya. Pero sabi ko naman na worth ang naging pagod naming lahat for the movie kasi pasado na siya sa MTRCB at nabigyan pa kami ng magandang grade from the CEB."

Kilala bilang isang mahusay na aktor at direktor, marami ang nagsasabi na tiyak na magiging strong contender na naman si Cesar sa awards season next year dahil sa Ligalig. Pero sa darating na 2006 Metro Manila Film Festival awards night sa December 29, saan ba niya gustong manalo—for best actor o best director?



"Huwag na lang sa akin. Gusto ko ay magka-award ang misis kong si Sunshine pati na si Johnny Delgado," sagot ng multi-awarded actor-director-producer-writer.

"Ibang-iba si Sunshine dito. Nilayo ko siya sa mga dating ginagawa niyang klaseng acting noon. Iniba ko siya rito. Minsan nga tuwing shooting, nagagalit siya sa akin kasi masyado raw akong perfectionist. Kasi nga, gusto ko ay maayos ang ipakita niyang emotions sa character niya. Sumusunod naman siya, pero sabay nagagalit sa akin!" tawa pa niya.



"Si Tito Johnny naman, maaasahan mo naman talaga siya sa kahit na anong papel. Masarap lang makitang manalo siya dahil nai-direk mo siya sa isang pelikula," dagdag ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



At gaya ng ibang producers, gusto ni Cesar na kumita sa takilya ang Ligalig. Kahit na psychological-thriller-drama ang pelikula ay maaabot pa rin daw ito ng masa.

Ibinalita rin ni Cesar na balak niyang ilahok ang obra niya sa iba't ibang film festivals abroad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN