PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lara Morena and Tonio Quiazon: Nagkasakitan muli!

Lara allegedly tried to stab Tonio with scissors
by Jojo Gabinete
Published Jan 4, 2007
Tonio Quiazon files a case against girlfriend Lara Morena who allegedly stabbed him with scissors.


Disappointed ang manager ni Tonio Quiazon dahil sa bago—pero luma—na namang iskandalong kinasasangkutan ng kanyang alaga.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager na si Jinky Ilusorio kagabi, January 3, at sa tono ng kanyang pananalita, suko na siya sa pagbibigay ng payo sa kanyang alaga. Ipinagpatuloy kasi ni Tonio ang pakikipagrelasyon sa girlfriend na si Lara Morena.



Hindi raw nagkulang ng paalaala kay Tonio si Jinky, na mas kilala bilang makeup artist, nang kasuhan ni Lara noon si Tonio noon ng pambubugbog.



Kahapon ng umaga, muling nagkasakitan sina Lara at Tonio.



Ipina-blotter ni Tonio sa Makati City Police ang pananaksak sa kanya ni Lara. Biyak ang nguso ng dating member ng Viva Hotmen dahil sinaksak diumano ni Lara ang kanyang bibig sa pamamagitan ng gunting.



Sugatan din ang magkabilang braso at kamay ng aspiring actor dahil sa pag-ilag daw niya sa mga saksak ni Lara.



Ang entertainment reporter na si Gorgy Rula ang isa sa mga unang tinawagan ni Tonio nang mangyari ang insidente. Sinamahan ni Gorgy si Tonio sa ospital at sa presinto ng Makati City para pormal na magsampa ng kaso laban kay Lara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Attempted homicide ang gusto sanang isampang kaso ni Tonio kay Lara. Pero pinayuhan siya ng imbestigador ng kaso na physical injuries na lang ang kanyang isampa laban sa aktres.



Reportedly, matinding selos ang pinag-ugatan ng panibagong away nina Lara at Tonio. May nagsabi kay Lara na nagkaroon ng intimate encounter si Tonio sa sexy star na si Criselda Volks, isang bagay na pinabulaanan ng aspiring actor.



Iba ang version ni Lara nang magpainterbyu ito sa mga news program. Siya raw ang sinaktan ni Tonio kaya may benda ang kanyang braso at papilay-pilay ang paglalakad niya.



Kinumpirma ni Tonio na three months pregnant ang kanyang live-in partner. Nag-away daw sila dahil nagalit siya nang makita niya ang mga gamot na iniinom ni Lara para malaglag ang ipinagbubuntis nito.



Sa interview noon ng Startalk, pinabulaanan ni Lara ang balita na buntis siya.


Malaki ang age difference nina Tonio at Lara. May 32 years old na ang aktres at 21 years old ang kanyang boyfriend.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



Sa research na ginawa ng PEP, napag-alaman na nakipagbalikan si Tonio kay Lara para hindi na ituloy ng girlfriend ang demanda sa kanya.



Ngayong muli silang nagkasakitan, ang ina ni Tonio ang pursigidong kasuhan si Lara dahil sa sinasabing pananakit na ginawa sa kanyang anak.

Read Next
Read More Stories About
Lara Morena
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tonio Quiazon files a case against girlfriend Lara Morena who allegedly stabbed him with scissors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results