Paano nga ba inaalagaan ng inyong mga paboritong artista ang kanilang physical image? Lagi silang sumasabak sa puyatan, sa init ng ilaw at kung ano-ano pa. Ngunit kagaganda't kagagwapo pa rin nila.
Malaking puhunan ng isang artista ang kanilang muhka. Hindi rin biro ang pag-aalaga na kanilang ginagawa para manatiling blooming sa harap ng publiko.
Kinalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga grooming at beauty tips ng inyong mga paboritong artista. Narito ang kanilang mga tips:
Tip # 1: Remove your make up.
Agree ang mga beauty experts na bawal ang matulog nang naka-makeup. Bukod sa madudumihan ang bed sheet mo, nakaka-clog ng pores ang makeup. At kapag na-clog ang pores mo, maari kang magka-pimples at iba pang skin blemishes. Kailangan ding makahinga ng iyong muhka.
Ayon sa Pinoy Big Brother host na si Mariel Rodriguez, "You should always remove your makeup before you sleep. Kahit gaano ako kapagod, tinatanggal ko yung makeup ko as much as possible. Pag hindi ko kailangang mag-makeup, hindi ako nagma-makeup. Kung hindi na kailangan, wag na, because I'm sure maganda ka na."
Tip # 2: Be comfortable with yourself.
Lahat ng tao may kanya-kanyang physical assets. Ang kailangan lang, i-flaunt mo kung ano mang asset na meron ka. Ani Mariel, "Dapat maging komportable ka sa sarili mo. Kung ano yung best asset mo, ipakita mo yun. Kung smile mo, ngumiti ka. Kung hair mo, ilugay mo."
Tip # 3: Look at the mirror with confidence.
Buong tapang mo ring harapin ang salamin-ito ang payo ng komedyanteng si Epy Quizon. Biro ng komedyanteng anak ni Dolphy: "Unang-una, hindi ako nagsusuklay ng buhok. Pagligo ko, diretso na."
Pwera biro, nag-share si Epy na, "Sometimes, it's not vanity to look at the mirror. It's good to look at the mirror once in a while and talk to yourself. You refresh your beginnings every time.
"It's a good way to start and end your day with any project. Start with a clear mind. Facing yourself in the mirror is one way. That can help you maintain your emotions. Keep your mind focused, your emotions straight."
Tip # 4: Exert some effort to look good.
Comedian-dancer Vhong Navarro banks heavily on his hair and wardrobe. He shares, "Ako kasi kung tutuusin, number one sa akin ang buhok e. Priority sa akin ang buhok. Hanggang buhok na lang yan e."
Nagbiro pa si Vhong: "Yang muhka pwede nang maitago yan e. Pag malikot ka, hindi na mapapansin ang muhka mo e. Pero ang buhok dapat maayos na yan."
"Siyempre, pangalawa magaling ka dapat pumorma. Pagdating sa porma ko, gusto ko mas maayos ang porma ko. Kasi ako, hindi ako nanliligaw e. Hindi naman dahil sa torpe ako pero nagiging totoo ako, nagiging honest ako sa babae na gusto ko. Para tanggap niya yun tama o mali o yung pangit sa akin. Alam niya agad yun."
Pagdating sa buhok at pananamit, tandaang hindi porke't nasa uso e dapat na itong gayahin. Piliin kung ano ang babagay sa iyo. Magtanong sa mga kaibigan o kumonsulta sa mga experto. Hindi rin kailangang sundan ang porma at gupit ng paboritong artista. Ang mahalaga, bagay ito sa personalidad mo.
Tip # 5: Stay happy and have a positive outlook in life
Sabi nga nila, nakakapagpahaba nga daw ng buhay ang pagtawa. Marami nang pag-aaral na ginawa dito ang mga doctor na nagpatibay sa kasabihang ito.
Ayon sa http://www.holisticonline.com/, Ilan sa mga benepisyo ng sense of humor sa ating kalusugan ay ang pagpapakas ng ating immune system, pagbabawas sa tinatawag nilang stress hormones, pagpapalakas ng puso at iba pa.
Para sa sexy actress na si Cass Ponti, ito ang kanyang sekreto kung paano siya nananatiling maganda. Ani Cass, "Sa akin kasi kahit stressed ako, parang kahit na may problema ako, hindi ko iniisip na may problema ako. Tawanan mo lang yung problema kasi problema na yun e.
"So pag nandun tayo at magiging sad ka, mas dagdag-dagdag pa yung problem mo. Tawanan mo lang yung problema para maging maganda ka pa rin," kanyang pagwawakas.