PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo and Mother Lily kiss and make up

Dennis and manager Popoy Caritativo paid Mother Lily a surprise visit last night.
by Allan Diones
Published Jan 25, 2007
"Heaven ang feeling ko! I'm so happy!" says Mother Lily Monteverde about her reconciliation with young actor Dennis Trillo and his manager.


Nagkabati na sina Dennis Trillo at Mother Lily Monteverde.



Naganap ang madamdaming pagbabati nila kagabi, Enero 24, sa Imperial Palace Suites—ang hotel na pag-aari ni Mother Lily sa Timog, Quezon City—habang kapiling ng Regal Entertainment producer ang kanyang grupong Wednesday Club.

Ang nasabing club ay kinabibilangan ng ilang kaibigan ni Mother Lily mula sa entertainment press at nina Malou Choa-Fagar (executive-in-charge of production ng Eat Bulaga!), Redgie Acuña-Magno (program manager ng Asian Treasures at iba pang shows ng GMA-7), at Chito Roño (batikang direktor).



Kasalukuyang nagpapamasahe sa kanyang bagong masahista si Mother Lily sa may poolside ng Imperial penthouse nang biglang dumating a little past 12 midnight si Dennis, na may dalang pink bouquet of flowers para sa Regal matriarch. Nakadapa si Mother habang minamasahe kaya medyo natagalan bago siya nakatayo at pagharap niya ay nagulat siya na nasa harapan na niya si Dennis at inaabutan siya ng bulaklak.



Maluha-luha ang sobrang touched na si Mother Lily at agad niyang niyakap at hinalikan si Dennis. Nakasunod kay Dennis ang manager nitong si Popoy Caritativo na paglapit kay Mother ay niyakap din ni Mother at bineso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Matatandaang bago nagtapos ang 2006 ay nagtampo at sumama ang loob ng kampo ni Dennis kay Mother Lily dahil biglang napunta kay Richard Gutierrez ang Nathan role sa Mano Po 5: Gua Ai Di na originally ay para kay Dennis.



Ang huling pakikipag-usap nina Dennis at Popoy kay Mother ay noon pang October 2006 sa final press con para sa pelikulang TXT, na co-production ng Regal at APT Entertainment, starring Dennis, Angel Locsin, and Oyo Sotto.



Mula noon ay tumanggi nang makipag-usap at makipagkita ang manager ni Dennis kay Mother Lily. Naibulalas ni Popoy sa press na nasaktan siya sa nangyari, habang si Dennis ay nanatiling tikom ang bibig sa isyu.



Isa sa mga original members ng Wednesday Club ni Mother Lily si Popoy, but since the Mano Po 5 incident ay hindi na siya nagpakita sa grupo—until last night. Ayon kay Popoy, walang pumilit sa kanila ni Dennis na makipagbati kay Mother at kusa silang nagpunta roon para tuldukan na ang anumang hidwaan sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"New Year, kaya new start!" nakangiting sambit ni Popoy, na hindi ipinagkaila na na-miss niya ang kaibigang producer na nagbigay ng movie break kay Dennis via Aishite Imasu—ang first movie ng matinee idol na nagbigay sa kanya ng maraming acting awards.



Ani Mother Lily, sobrang na-miss din niya sina Popoy at Dennis na parehong mahal na mahal niya. Aniya, humingi na siya ng sorry sa dalawa kung anuman ang nagawa niyang kasalanan.



"Heaven ang feeling ko! I'm so happy!" emosyonal na bulalas ni Mother Lily, na para bang nakahinga na siya nang maluwag.



Tila naghintay lang ng tamang pagkakataon ang manager ni Dennis para makipag-peace sa Regal producer. Noon pa maraming gustong mamagitan para magbati sila, pero tumatanggi si Popoy dahil hindi pa raw niya kaya.

Si Kris Aquino, close friend ni Popoy at close friend din ni Mother Lily, ang isa sa mga nag-advise kay Popoy na makipag-ayos na kay Mother Lily. Sinabi ni Kris kay Popoy na tinawagan siya ni Mother upang hingan ng tulong sa pakikipagbati niya kay Popoy. Sinabi rin ni Kris, ayon kay Popoy, na kundi mahal ni Mother si Popoy, bakit naman ito makikiusap pa sa kanya upang tumulong sa pagkakaayos nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Instrumental din si Ms. Malou Fagar na matagal ng tagapayo at hingahan ng sama ng loob ni Popoy at ni Mother. Si Malou ang tinawagan ni Popoy para sabihing pupunta sila ni Dennis sa Wednesday Club, na inilihim naman ni Malou para masorpresa si Mother.

Bago naganap ang nasabing pagbabati ay nakipag-meeting na si Popoy sa producer-daughter ni Mother Lily na si Roselle Monteverde-Teo para pag-usapan ang next film project ni Dennis sa Regal—na as of now ay hindi pa sigurado kung ano.

Samantala, umalis ngayong umaga papuntang Bangkok, Thailand, sina Dennis at Popoy para sa isang commercial shoot ng young actor doon. Muling magiging visible si Dennis sa telebisyon kapag nagsimula na siyang mag-promote ng bago niyang telefantasya sa GMA-7—na sa Pebrero 12 ang pilot telecast—at ng self-titled debut CD niya under IndiMusic.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Heaven ang feeling ko! I'm so happy!" says Mother Lily Monteverde about her reconciliation with young actor Dennis Trillo and his manager.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results