Tanya Garcia says relationship with Mark Lapid still has "no commitment"

IMAGE 0


"Of course, bawal kami to go out na iba ang kasama namin. What I mean sa walang commitment is that walang promises, walang pressure, kasi nga ang hirap. Di ba, ‘pag mag-boyfriend kayo, maraming responsibilities ang bawat isa for each other? Na ang hirap pareho sa amin," says Tanya Garcia about her relationship with Mark Lapid.



Sa pansamantalang pagkawala ng young actress na si Tanya Garcia sa sirkulasyon, marami ang nagulat nang mabalita ang espesyal na relasyon nila ni Pampanga Governor Mark Lapid.



Pagkatapos ng kontrobersyal na relasyon ng actor-politician sa actress-TV host na si Kris Aquino, si Tanya naman ang nagpapatibok sa puso ngayon ni Mark. Isang relasyon na sinasabi ng iba na baka hindi magtagal, lalo't balita na naging traumatic noon kay Mark ang kinauwian ng relasyon nila ni Kris.

Sa pamamagitan ng telepono noong January 30 ay hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Tanya tungkol dito.



Aniya, "I don't think so ‘coz nung nakilala ko si Mark, he's okay. Naka-move on na siya. Wala na rin naman siyang magagawa kasi nakapag-move on na rin si Ate Kris. I don't think she cares about him anymore, mukhang haping-happy na siya kay James [Yap]."



Dagdag pa ni Tanya, "Past is past. Never akong nagtanong about anything. Kung anuman ang naririnig ko, sa akin na lang. Di magandang pag-usapan pa yung past."

Ayon kay Tanya ay masaya siya sa itinatakbo ng relasyon nila ngayon ng anak ni Senator Lito Lapid. Ito ay sa kabila ng wala pa raw silang commitment sa isa't isa.

"Yung sa amin kasi, di naging pormal na ‘O tayo na.' Wala rin siyang commitment kasi it's so hard to commit. Basta kami, we're happy. Masaya kami ‘pag magkasama. ‘Pag di kami magkasama, okay lang din. We grow as individuals," paliwanag ng dalaga.



"Of course, bawal kami to go out na iba ang kasama namin. What I mean sa walang commitment is that walang promises, walang pressure, kasi nga ang hirap. Di ba, ‘pag mag-boyfriend kayo, maraming responsibilities ang bawat isa for each other? Na ang hirap pareho sa amin.

"Kami, we see each other once in a while. Hindi kami laging magkasama kasi nasa Pampanga siya. Ako naman, nandito, almost every day yung taping. Once in a while, ‘pag may free time siya, lumuluwas siya to visit me. Or ‘pag may free time ako, pinupuntahan ko siya," kuwento pa ni Tanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, may demandang nakahain ngayon kay Mark dahil sa kasong quarry. Isang demanda na nagkukuwestiyon sa krediblidad at katapatan ng actor-politician. Ano ang masasabi ni Tanya tungkol dito?



"I can't say anything about it. Wala akong alam tungkol sa isyu na ‘yan, I don't think I'm in the position to say anything about it," very safe na sagot ni Tanya.



"Basta ako, ang alam ko, totoong tao siya. Hindi siya katulad ng iba na sobrang pulitikong-pulitiko talaga. Simula nang makilala ko siya, nakita ko talaga na gusto niyang tumulong sa mga taga-Pampanga. Other than that, wala na akong masasabi pa sa kanya," aniya pa.

Marami ang nakakapansin na nalilinya sa mga contravida roles si Tanya. Ngayon ay kontrabida na naman siya uli sa fantaserye ng GMA-7 na Super Twins, kung saan tampok sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte.



"Twenty-five na ako. Hindi naman pwedeng forever na pa-sweet ang roles ko, di ba? Honestly, those contravida roles don't matter basta maganda naman ‘yung role, gaya nga dito sa Super Twins na sobrang kontrabida talaga ako," sabi ni Tanya.

"Before, nabigyan na ako ng magagandang breaks at ipinagpapasalamat ko yun. Siyempre, di naman forever bida ka. May mga bagong dumarating at darating, mas talented, mas bata. So sa akin, walang problema ‘yun."



Dagdag pa niya, "Ever since I started in show business, hindi ako yung
artista na gagawin ang lahat para maging superstar. Sa akin, kung mayroong projects, salamat. Kung wala, salamat na rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN