Gladys Guevarra harassed at her own press conference

IMAGE 0


Gladys Guevarra says she was harassed by an entertainment columnist during the press conference of Magic Kamison.


Sa unang tanong pa lamang ni Joey de Leon sa Startalk noong Sabado, February 3, inamin na ng singer-comedienne na si Gladys Guevarra na naramdaman niyang na-harass siya sa press conference ng pinagbibidahan niyang Magic Kamison.

"Opo. Kasi first time ko po na na-ganun," pahayag ni Gladys.

Matatandaan na naiulat matapos ang press con ng Magic Kamison noong January 29 na napaiyak si Gladys dahil sa mga tanong na ibinato sa kanya ng entertainment press, partikular na si Isah Red (entertainment editor ng Manila Standard). Tinanong ni Isah si Gladys kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng pagre-resign niya sa Eat Bulaga! Hindi raw nito matanggap na "health reason" lang talaga ang dahilan ni Gladys. Nang isinagot pa rin ni Gladys na ganuon nga ang dahilan, pinilit ni Isah "paaminin" si Gladys.

Nang hindi pa rin nakuha ang gustong sagot mula kay Gladys, umalis si Isah sa kalagitnaan ng press con. Sa pag-alis ng beteranong manunulat, narinig na isinambit diumano nito ang mga salitang "It's a disaster and I love it!" Ang tinutukoy, sa pagkakaintindi ng mga naroon, ay ang pag-iyak ni Gladys.

Tanong ni Gladys, "Parang doon sa press con kasi, bakit kaming mga artista hindi pwedeng magsabi ng ‘no comment'? Bakit, isa lang ba 'yong katotohanan?"

Dagdag pa niya, "Bakit meron silang gustong marinig na ipinipilit sa akin na 'yon ang isagot ko? Hindi niya [Isah] marinig sa akin, 'yon ang pinaniniwalaan niya, 'yon ang ipinipilit niya sa akin."

Tinutukoy ni Gladys ang mga tanong na patungkol sa kanyang pag-alis sa Eat Bulaga! at ang intrigang si Janno Gibbs, kasamahan rin niya sa nasabing noontime show, ang totoong dahilan.

Muling itinanggi ng aktres na si Janno ang dahilan ng kanyang pagre-resign sa Eat Bulaga!.

"It's purely health reasons at bahala kayo kung hindi ninyo paniniwalaan, pero yun po ang dahilan ko," sagot ni Gladys sa isang taped interview na ipinalabas bago ang panayam sa kanya ng Startalk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiling pa ng comedienne sa entertainment press: "I don't know pero once and for all, itigil na ho natin kasi, unang-una... Diyos ko, kawawa naman si Janno Gibbs, ang dami-dami na niyang singaw sa bunganga niya."

Samantala, sa nasabing press con ay inusisa rin si Gladys tungkol sa kanyang patuloy na pagtanggap ng projects sa kabila ng pagkakaroon niya ng scoliosis.

Sabi ni Gladys, "Yung mga tanong kasi na ‘Kung may sakit ka, bakit tumanggap ka pa rin ng show? Kung may sakit ka, bakit nagsho-show ka pa rin sa gabi?'" Ito kasi [Magic Kamison], lahat nang ito, na-oohan namin 'to, nasa Bulaga pa ako. So ito 'yong mga tinatapos na lang dahil naka-commit na kami bago pa lang."

Nilinaw rin ni Gladys na hindi siya nag-walkout sa kalagitnaan ng press con ng Magic Kamison.

"Hindi ako nag-walkout sa presscon. Tinapos ko na muna 'yong mga tanong. Basta nung hindi ko na kinaya, tumayo na ako. Lumabas na ako dahil sasabog na ako," paliwanag ni Gladys.

At ang panghuling mensahe ni Gladys kay Isah Red: "Pasensya na, hindi ko po kayo kilala nang personal kaya parang ang akin, sobrang nabastos ako na ginanun-ganun n'yo ako noong press con. Parang ito po 'yong sinasagot ko, pero bakit may mga gusto po kayong marinig na hindi ninyo marinig sa amin...para kayong ‘showbiz,' ganun. Nasaktan lang po ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN