Ogie Alcasid denies marriage to Michelle Van Eimeren is already annulled

IMAGE 0


Singer-composer-comedian confirms that he will reveal something big in June, but refused to say what this is about.



Halatang nahirapan ang singer-composer na si Ogie Alcasid sa mga tanong na ibinato sa kanya ng Startalk host na si Joey de Leon noong Sabado, Pebrero 3.

Sa live interview ng Startalk, pinatotohanan ni Ogie na may aaminin siya ngunit hindi pa raw sa ngayon kundi sa darating pang Hunyo.

"'Yang aking ia-announce ay tungkol sa akin. Kasi maraming mga ispekulasyon na bading daw ako... hindi, at kung anu-ano pa. Basta sa akin manggagaling," sabi ni Ogie na dinadaan na lang sa biro ang kanyang kaba.

Nang tanungin siya tungkol sa kanyang asawa sa Australia na si Michelle Van Eimeren, paiwas na sinagot ni Ogie, "Okay kami. Pwede bang hanggang do'n na lang? Okay kami."

Kahit ayaw na sanang pag-usapan ang tungkol sa kanyang pamilya, hinihingi naman agad ni Joey sa singer kung ano ang reaksiyon ng kanyang asawa at mga anak sa mga balita tungkol sa kanila ni Regine Velasquez.

Ayon kay Ogie, alam ni Michelle ang mga bali-balita tungkol sa kanila ni Regine. Ngunit paiwas pa rin nitong sinagot na: "Pwede huwag munang sagutin?"

Ang sumunod na tanong ay tungkol sa exposé na inilabas ng entertainment columnist na si Ricky Lo tungkol diumano sa annulment nila ni Michelle. Agad naman itong sinagot ni Ogie: "Yan, sasagutin ko 'yan. Hindi totoo 'yon, 'yong na-annul ako."

Hindi naman direktang tinuran ni Ogie kung ang kanyang ibubunyag sa Hunyo ay may kinalaman sa relasyon diumano nila ni Regine. Dagdag pa ng singer-composer-comedian, marami pa siyang inaasikaso ngayon kung kaya't sa Hunyo pa niya pwedeng sabihin kung anuman ang ibubunyag niya.

"Alam ko naman na marami rin ang... yung tingin ko, ha. Marami rin ang interesado sa nangyayari sa akin, so nararapat lamang na ako'y maging honest. At maging makakatotohanan sa mga nangyayari sa akin," pahayag ni Ogie.

Sa bandang huli, hiniling ni Ogie na huwag na munang idamay si Regine sa mga isyu. Pakiusap ni Ogie, "Huwag na muna nating i-involve si Regine kasi siya naman, e... Alam naman ng lahat na kapag kasama ko si Regine, ako'y masaya, ako'y bibo, ako'y happy. Inspirasyon siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN