KBP finds violations in the "Forbidden Questions" segment of DJ Mo's radio show

IMAGE 0


DJ Mo Twister admits he may have done some violations on his show—particularly the "Forbidden Questions" segment—and he feels apologetic. "I think I’m guilty with the violation. But I was very apologetic kung may mali naman na nangyari."


Itinanggi ng kontrobersyal na si DJ Mo—Mohan Gumatay sa totoong buhay—ang mga balitang sinuspinde siya ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Nagsimula ang mga haka-hakang nasuspinde si DJ Mo nang mamaalam ito noong nakaraang linggo sa programa niyang Good Times sa Magic 89.9. At noong nakarang Miyerkules, sa segment ng "Forbidden Questions," nabanggit ng nasabing deejay na mawawala siya ng dalawang linggo sa nasabing programa.

Sinabi rin niya sa mga listeners na "on leave" siya. Ngunit sa mga nagtatanong kung siya nga ba ay nasuspinde, isang hindi malinaw na sagot ang kanyang ibinigay, "I might get suspended."

Sa isang taped interview ng Startalk noong Pebrero 17, nilinaw ni DJ Mo na pupunta siya ng Amerika para dalawin ang anak nila ni Bunny Paras na si Moira. "I'm gonna go and visit my daughter kasi she's a little sick right now," pahayag ni DJ Mo.

Ayon kay DJ Mo, totoong nabanggit niya na maaring masuspinde siya. "Ginagawa ko kasi sabi ko on-air na sasabihin ko na suspended ako because unahan natin silang magpi-pick up na suspended ako. Pero ang totoo walang suspension," paliwanag ni DJ Mo.

Samanatala, nang makausap ng Startalk ang presidente ng KBP na si Jun Niclao, inamin niya na nagkaroon ng violation si DJ Mo, partikular na ang "Forbidden Questions" episode kung saan guest niya si John Lapus.

"Kasi mayroong tape recording ng programa at madaling i-determine kung may violations talaga. So in this case, ginagawa yung written decision pero mayroon na silang desisyon—walang suspension," paliwanag ni Jun tungkol sa violation na nagawa diumano ni DJ Mo.

"Again, I might be pre-empting the essay decision, but as far as I know, ang aking information is that walang suspension at I think it's a monetary sanction or monetary fine," dagdag pa ng presidente ng KBP.

Ayon pa kay Jun, "Ang violation ay to a certain provision of the program, particularly on program provisions on sex and violence. Pagkakaalam ko, dalawa raw na provisions noong radio code ang na-violate niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga nabanggit na naging violation ni DJ Mo ay ang ikaapat na talata ng Sex and Violence section ng radio code ng KBP. Nasasaad dito: "The use of words and phrases which have undesirable and/or offensive implications shall not be allowed. The use of undesirable, offensive, obscene, blasphemous, profane or vulgar words and phrases shall not be allowed."

Para sa first offense ng nasabing provision ay maaaring ipataw ang "a fine of P3,000 and/or written reprimand to individual/employee/blocktimer/announcer, and censure for the station."

Bagama't may nakitang violation ang KBP, hindi sususpindihin si DJ Mo o ang kanyang programa.

"I think I'm guilty with the violation," sabi ni DJ Mo. "Wala pa namang clear-cut na sinabi na kung ginawa ko yung mali or anything, but I was very apologetic kung may mali naman na nangyari so hinihintay ko lang 'yong punishment."

Kung sakali, ito ang kauna-unahang violation diumano ito para kay DJ Mo sa sampung taon niyang pagtatrabaho sa radyo. Gayunman, nangangako pa rin siya na, "I would definitely try my best not to have that incident to happen again, to be more responsible."

At ang mensahe ni DJ Mo para sa KBP: "To the KBP, I appreciate that you are fair with me doon sa hearing. Hindi naman kayo overly aggressive to crucify me, and you were not overly lenient. You were just perfect."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN