Vilma Santos to run for governor of Batangas

IMAGE 0


Star For All Seasons and Lipa City Mayor Vilma Santos has declared that she is going to run for governor of Batangas, but she is still trying to convince her brother-in-law not to vie for the same position.



Sa wakas, ipinahayag na ni Lipa City Mayor Vilma Santos na desisido na siyang tumakbo bilang governor ng lalawigan ng Batangas. Pero hindi pa raw siya 100 percent sure dahil ang kanyang bayaw na si Batangas Vice Governor Ricky Recto ay tatakbo rin para sa nasabing posisyon.

Sa panayam sa kanya ng Saksi, GMA-7's late-night newscast, sinabi ng Star for All Seasons na, "Desidido akong tumakbo for governor. Now, kaya ko sinasabing 80 percent kasi 20 percent, iniiwan ko muna dun sa naiiwan naming problema regarding Ricky's situation."

"Siguro in a week or two, magde-declare ako kung ano talaga," sabi pa ng actress-politician. "Pero I'm leaning into governor talaga. Ngayon, kung ano man ang mangyayari sa huli, I wish yung problema ko, my brother-in-law will give way.

"Pwede naman ang brother-in-law ko to run for congress, then why not? Alam mo, ang brother-in-law ko, matalino. Very intelligent, mahilig sa debate ‘yan, magaling. Bagay yata sa kanya yung Congress," sabi pa ni Vilma.

Desidido rin ang kapatid ni Senator Ralph Rector na si Ricky na tumakbo bilang governor ng Batangas at wala siyang balak umatras. Kung walang uurong kina Vilma at Ricky, Recto vs. Recto ang magiging labanan para sa pag-kagobernador ng Batangas ngayong darating na eleksiyon.

"I told them, it would be very difficult for me to back down. As a matter of fact, almost next to impossible," sabi ni Vice Governor Recto sa hiwalay na phone interview sa kanya ng Saksi.

"It is improper, actually quite unfair that both of them [Ralph and Vilma]— just because they are who they are—come in, kick me aside, and tell me, 'You can do congress or mayor anyway,'" may bahid pang pagtatampo na sabi ni Ricky.

Idinagdag din ni Ricky na ang magiging running mate niya ay walang iba kundi si Christopher de Leon na paboritong leading man ni Vilma sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inakusahan din ni Ricky ang administrasyon na siyang may pakana sa pagtakbo ni Vilma laban sa kanya.

"Because the administration doesn't have a legitimate candidate, they are trying to convince Ralph to push Vilma to run, thinking that I will back down. Pag-aawayin pa ang magkakamag-anak, magkakapamilya, para lang makuha nila ang gusto nila," mariing pahayag ni Ricky.

Ang sagot naman ng Star for All Season sa mga paratang ng kanyang bayaw, "It's not true na magpapagamit sa Malacañang. Again, hindi ko kayang magpagamit kanino. Matagal ko pong inalagaan ang sarili ko at dinidesisyunan ko ang sarili ko."

Ayon pa kay Vilma, bagama't desidido siyang tumakbo bilang governor, mas pagtutuunan niya ng pansin ang kampanya ng kanyang asawa na tatakbong muli bilang senador.

"Priority ko si Ralph. Matalo na ako, manalo lang si Ralph. Because I want to support and to show him my 101 percent..." sabi ni Vilma.

Sa darating na May 2007 elections, matatapos na rin ang panunungkulan ni Vilma bilang mayor ng Lipa City, kung saan nanilbihan siya for three consecutive terms.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN