Rayver Cruz surprises Shaina Magdayao with a Chihuahua

IMAGE 0


Rayver Cruz gave Shaina Magdayao a Chihuahua during their guesting on The Buzz yesterday.


Naging vocal si Shaina Magdayao na gusto niyang magkaroon ng sariling pet dog, na kung puwede ay isang Teacup Yorkshire Terrier—the same breed Alfred Vargas gave to sweetheart LJ Reyes. Nang nalaman ito ni Rayver, naghanap agad ang binata sa lahat ng alam niyang pet shops or kakilala niyang breeders.

Kaunti lang ang nagbi-breed ng Teacup Yorkshire Terrier sa Pilipinas and its cost can reach up to forty thousand pesos. Aware din si Shaina na napakahirap makahanap ng ganitong uri ng aso. So she is open to idea of having another breed of dog, basta toy dog type—the ones na maliliit. As long as kaya niya raw karga-kargahin at karay-karayin kahit saan, like a Chihuahua, na pet dogs ng mga kilalang celebrities here and abroad like Paris Hilton, Britney Spears, and Jolina Magdangal.

Eksakto namang may nag-alok na breeder kay Rayver ng Chihuahua. Champion breed ang alaga ng breeder, pero nang nalaman nitong para ito kay Shaina, ibinigay kay Rayver ang Chihuahua at a bargain price.

Last Saturday, February 24, nakuha na ni Rayver ang puppy at sinorpresa niya si Shaina sa guesting nila sa The Buzz kinabukasan. Super happy si Shaina at ang cute pa dahil pinangalanan niya ang kaniyang bagong puppy na Rain, combination ng pangalan nila ni Rayver.

Hindi na halos makausap si Shaina dahil excited siya sa kanyang bagong puppy. Ayaw niya itong bitiwan at ibinaba na lang uli ito nang dumating na sila sa mall show nila sa SM Valenzuela for the promotion of their Saturday teen show sa ABS-CBN na Star Magic Presents: Abt Ur Luv.

Ilu-launch ang tambalang Shai-Ver sa Happy Hearts ng Regal Entertainment, directed by Joel Lamangan and opening ito on March 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN