YES! party last year vs this year

IMAGE 0


The couple Meryll Soriano and Bernard Palanca were so sweet (left photo) during the 6th anniversary party of YES! magazine last March 2006. The couple's exact words then, "We're going stronger."But this year, Bernard attended the YES! event alone (right photo). Five days before the party, he personally admitted that he and Meryll are no longer together.


Isang star-studded event ang selebrasyon ng ika-pitongannibersaryo ng YES! magazine na naganap sa NBC Tent, The Fort, Taguignoong Pebrero 28.

Sa ikalawang pagkakataon, muling nagsama-sama ang mgaartista mula sa iba't ibang network, ang entertainment press, at iba pangkilalang tao sa showbiz para sa isang makulay na gabi na handog ng YES! magazine.

Susubukang balikan ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang mga mahahalagang kaganapan noong nakaraang taon at ikukumpara na rin sa mga nangyari sa taong ito.

YES! 6th Anniversary Thanksgiving Bash. Maraming artista ang dumalo sa thanksgiving party ng YES! magazine noong Marso 30, 2006, bagamat umulan nang bahagya noong gabing iyon.

Ayon sa naisulat ni Anna Pingol, ang associate editor ng YES!, halos umulan din ng artista sa loob ng Ballroom A ng CrownePlaza, Ortigas noong gabing iyon.

Pinarangalan din ang mga nanalo sa YES! Readers'Choice Awards 2005. Nanguna sa listahan ng mga nanalo ang Diamond Star na si Maricel Soriano na tinanghal bilang Hall of Famer dahil sa pagkapanalo niya ng Actress of the Year award sa tatlong magkakasunod na taon. Siya rin ang tinanghal na Scene Stealer of the Year at Most Beautiful Celebrity.

Ang iba pang mga awardees na dumalo noong gabing iyon ay sina Cesar Montano, na nanalong Actor of the Year; si Dennis Trillo, na hinirang ng readers bilang Young Superstar; si Meryll Soriano na ibinoto bilang Next Big Thing; si Jericho Rosales naman ang Most Handsome Celebrity, habang si John Estrada ang napiling Most Fashionable Male Celebrity; sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo ang nag-uwi ng Best Love team award, at ang bandang Orange and Lemons na nagkamit ng "Hitmaker of the Year" at "Song of the Year" awards.

Si Lucy Torres-Gomez naman ang tumanggap ng Pynocare Bravo Award para sa kanyang mga charitable projects at active involvement sa Red Cross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin tinantanan ng mga kamera at recorder ng entertainmentmedia ang kagandahan nina Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, Ruffa Gutierrez-Bektas, at LucyTorres-Gomez.

Noong gabi ring iyon, naging kapansin-pansin ang mgamagkasintahan na tila ay hindi mo na mapaghiwalay—sina Echo at ang girlfriend niyang si Heart Evangelista, Meryll Soriano at BernardPalanca, Karylle at Dingdong Dantes, Joross at Roxanne, pati na rin sina Mylene Dizon atPaolo Paraiso.

At para aliwin ang mga panauhin, nagkaroon ng bigay-todong performance ang bandang Bamboo. Samantalang nagbalik-tanaw naman ang bandangBloomfields sa dekada '70 nang tugtugin nila ang ilang kanta ng Beatles para sa finale.

YES! @ 7 and PEP launch. Maliban sa mas maagang date at mas pinalaking venue, maraming pagbabago ang naganap sa anniversary party ng YES! magazine ngayong taon.

Unang-una na rito ay ang opisyal na pagpapakilala ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa publiko, bilang online version ng most widely circulated magazine sa bansa.

Pangalawa, mas marami ang awards na ipinamigay ng YES! Readers' Choice 2006 at mas marami rin ang dumalong artista para personal na tanggapin ang kanilang mga glass-made plaques.

Dumating ang mag-asawang Aga Muhlach (Favorite Actor of the Year) at Charlene Gonzalez(Most Beautiful Celebrity). Dumalo rin sina Erik Santos (Celebrity Home of the Year), RustomPadilla (Scene Stealer of the Year), Jason Abalos and Maja Salvador (Next BigStars), Diether Ocampo and Kristine Hermosa (Real-Life Sweethearts), Sarah Geronimo (Hitmaker of the Year), at Mark Bautista (Most FashionableMale Celebrity).

Sa kabila ng kaabalahan noong araw na iyon, nagawa namang sumaglit ni Judy Ann Santos para tanggapin ang award na Favorite Actressof the Year.

Samantala, pinarangalan naman ng event sponsor na Pynocaresi Rufa Gutierrez-Bektas ng Bravo Award dahil sa proyektong ginawa niyapara sa mga nasalanta ng mudslide sa Leyte.

Sweethearts then, and now? Sa kagaganap lang na event, kapansin-pansin ang pagbabago sa ilang couples na dumalo noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kung dati ay nasaksihan ng media ang dating sweetat halos hindi mapaghiwalay na sina Bernard Palanca at Meryll Soriano, solong dumating si Bernard noong gabing iyon.

Kung dati ay magkasama sina Joross at Roxanne na tumanggap ng kanilang award last year, pawang mga kaibigan na lamang ang kasama ni Roxanne sa party this year.

Magkasama pa ring dumating sina Mylene at Paolo sa kabila ngpag-amin na hiwalay na silang dalawa. Nilinaw naman nila na sila ay magkaibigan pa rin.

Issues then and now. Samantala, isa rin sa kapansin-pansin na pagbabago noong gabing iyon ay ang pagdalo ng dalawa sa mga aktres, na may pinakamagandang mukha sa showbiz, nang hindi nagkibuan. Natapos ang buong gabi na todo-iwas sa isa't isa sina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta, habang last year ay masayang nagkakuwentuhan ang dating magkabigan at co-hosts ng defunct Sunday afternoon show ni German Moreno, ang GMA Supershow.

Hindi rin nakadalo ang mga showbiz couples na sina Richard Gomez at Lucy Torres, gayundin din sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Marahil, mas nakatutok na ang mga ito sa kanilang mga political activities dahil parehong tumatakbo sa pagka-senador sina Goma at Buboy.

Gayunpaman ay nakadalo ang Megastar na si Sharon Cuneta kasama ang asawang si Kiko Pangilinan, na tumatakbo rin sa senado.

Tunay ngang kay bilis ng panahon at kay bilis ding magbago ng mga sitwasyon. Ang mga dating magkakaibigan, puwedeng nagkakatampuhan. Ang mga dating nagmamahalan, puwedeng maghiwalay. Wala talagang permanente sa mundo.

Sa mundo ng showbiz, isa lang ang hindi magbabago—ang pagkakaroon ng kontrobersiya, ng isyu, ng intriga. Dumaan man ang marami pang taon, magkaroon man ng ilan pang YES! event ay patuloy na mapupuno ng aksiyon at sorpresa ang buhay ng mga artista.

Ano kaya ang mangyayari sa susunod na taon?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN