Osang changes her mind, allows Jolo to see his son on his birthday

by Alex Datu
Mar 15, 2007
Rosanna Roces had a change of heart and allows Jolo Revilla to be with Budoy—Osang's grandchild—at Jolo's birthday celebration.


Matigas ang naging pahayag ni Rosanna Roces noong Linggo, March 11, sa The Buzz na ayaw nitong ipahiram ang kanyang apo na si Budoy (Gabriel) sa ama nitong si Jolo Revilla kahit na pagdiriwang ng young actor ng kaniyang kaarawan ngayong araw, March 15.



Isang matinding "Hinde! Wala namang nakikipag-usap," ang naging sagot ni Osang sa pamamagitan ng text message sa tanong na ipapahiram ba nito ang kanyang apo kay Jolo.



Diretsong "Ayoko!" naman ang tanging tugon nito sa tanong kung bakit ayaw nitong ipahiram si Budoy, anak ni Jolo sa panganay na anak ni Osang, na si Grace Adriano.

Ayon kay Jolo, tatlong buwan na raw niyang hindi nakikita ang kanyang anak.

Pero, sabi nga, miracles happen every second. At minsan na namang napatunayan ang kasabihang ito dahil, sa panayam ni Osang kahapon, March 14, sa radio program nina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito—na parehong kilalang malapit sa aktres—ay pumayag na itong ipahiram ang apo kay Jolo sa kanyang kaarawan.

Continue reading below ↓



"Tinext ako ni Jolo, ‘Puwede ko po bang hiramin si Budoy?'" kuwento ni Osang. "Si Grace daw kasi nagpapaalam sa akin, hindi daw siya pinagbibigyan. Kasi bago 'yong mga yaya, baka manibago o ano.



"Ayaw ko kasi 'yong paalam nila—sa TV ko naririnig. Ang dali-dali ko namang kausap, e," sabi pa ni Osang, na ang tinutukoy ay ang pamilya ni Jolo.

Idinipensa naman nina Cristy at Jobert ang mga magulang ni Jolo na sina Senator Bong Revilla at Lani Mercado, na baka kaya hindi nila kinakausap si Osang ay dahil sa pag-aakalang mainit pa ang ulo ng aktres sa kanila.

"Hindi na nga ako nagagalit. Bawal ang magalit," sagot naman ni Osang.

Kuwento pa ni Osang, ipinatawag daw niya si Jolo sa bahay nila habang katabi niya si Budoy. Nang marinig daw ng bata ang boses ng ama ay agad itong nagsabi ng "Dada."

"Naawa naman ako bigla sa nakita ko," sabi pa ni Osang.

Continue reading below ↓

Idinagdag din ni Osang na inimbitahan siya ni Jolo sa kanyang birthday party mamayang gabi sa Embassy. Hiniling din ni Jolo na isama ni Osang si Grace at ang kanilang anak.

Ang tanong lang ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay ganito: Bakit si Rosanna Roces ang nagdidikta ng pagkikita ng mag-ama? Ano ang legal niyang karapatan para sabihin kung kelan puwede at hindi puwedeng makita ni Jolo si Budoy? Habang buhay ba niyang hahawakan ang bata? May korte bang nakapagsabing siya ang legal guardian? May korte bang nagsabi nang hindi karapat-dapat ang ama sa anak? Di ba legal age na si Grace, ang ina ng bata? Hanggang kailan aamu-amuhin ng mga Revilla si Rosanna para "ipahiram" ang bata? Apo lang niya ito; anak ito ni Jolo.

Read Next
Read More Stories About
Rosanna Roces, Jolo Revilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Roces had a change of heart and allows Jolo Revilla to be with Budoy—Osang's grandchild—at Jolo's birthday celebration.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results