Alleged half-brother of Antoinette Taus comes out in the open

IMAGE 0


A certain Tessie Flores is claiming that her son, 13-year-old Anthony, is the half-brother of Antoinette Taus's. Anthony is reportedly in need of financial assistance for his medical operation.



Sa unang pagkakataon ay nabunyag sa publiko ang isang sikreto sa pamilya ng singer-actress na si Antoinette Taus. Walang kaalam-alam si Antoinette na meron pa pala siyang diumano'y kapatid bukod kay Tom Taus.

Buhay pa diumano ang ina ni Antoinette nang isilang ang half-brother niya na si Anthony mula sa isang nagnganglang Tessie Flores. Si Tessie ay dating nagtatrabaho sa pamilya ni Antoinette.

Tumira noon sa Angeles, Pampanga ang mag-inang Anthony at Tessie habang nasa Clark naman ang pamilya ni Antoinette. Kinilala naman daw diumano ng Daddy ni Toni yung bata nang ito'y isilang. May financial support naman daw na ibinibigay sa mag-ina na hinahatid pa ng best friend ng Daddy ni Toni.



Pero noong four years old na si Anthony, nagdesisyon si Tessie na tumira na sila sa bayan nito sa Samar. Ngayon, 13 years old na si Anthony at lumaking guwapo at tisoy. Artistahin din daw ang hitsura ng bagets. But sad to say, four years na raw ngayon na walang suporta ang Daddy ni Toni sa bata.



Ang nakakalungkot pa nito, may sakit sa lalamunan si Anthony kaya hirap sa pagsasalita. Kailangang operasyon ang bagets kaya nananawagan ang kanyang ina na sana'y matulungan siya sa pagpapa-opera kay Anthony.



We heard, nandito sa Pilipinas ngayon si Antoinette. Umaasa ang mag-inang Tessie at Anthony na makarating sa kinauukulan ang kanilang panawagan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN