Polo Ravales: Goodbye Ara Mina, welcome Zarah Lopez?

IMAGE 0


Mahal ko pa rin siya kaya siyempre, masakit kahit pa'no. Sana lang,kinausap niya ako na may bago na dahil 'yon naman ang kasunduan namin,na kapag nakahanap ng iba ay magsasabi sa isa," says Ara Mina about the rumored relationship of Polo Ravales and Zarah Lopez.


Dahil sa paglutang ng pangalan ng miyembro ng Viva Hot Babes na si Zarah Lopez ay mukhang malabo nang magkabalikan sina Ara Mina at Polo Ravales. Sobrang nasaktan daw kasi si Ara sa mga ibinunyag ni Zarah nang interbyuhin ito kamakailan sa radio program ni Ogie Diaz. Bago ang panayam kay Zarah, may nakapagsabi kay Ara na nakita si Polo at ang nasabing Viva Hot Babes member sa Embassy Bar.

Lumalabas na mas nauna si Zarah sa buhay ni Polo dahil bago pa raw naging girlfriend ng aktor si Ara ay may nangyari na raw sa kanila. Sinabi pa ni Zarah na una silang "nagkatikiman" ni Polo sa kotse ng aktor. Gaya ni Ara, ipinakilala na rin daw ni Polo sa kanyang mommy si Zarah.

Dahil dito, nasabi nga raw ni Ara na ngayon ay alam na niya kung bakit hindi na masyadong nagte-text sa kanya si Polo at tila bigla itong nanlamig sa kanilang relasyon sa kabila ng kanilang kasunduan na aayusin nila ang kung anumang problema meron sila.

"Dati kasi madalas pa siyang mag-text at nagkakausap pa rin kami kahit pa'no, pero ngayon bigla siyang nanahimik, parang deadma siya," malungkot na sabi ng sexy actress.

Sina Ara at Polo ay matatandaang nag-break last February 9. Sinasabing ang kawalan nila ng panahon sa isa't isa ang dahilan ng break-up. Halos isang taon ding tumagal ang relasyon ng dalawa.

Sa kabila ng nangyari, inamin ni Ara na mahal pa rin niya ang ex-boyfriend.

"Mahal ko pa rin siya kaya siyempre, masakit kahit pa'no. Sana lang, kinausap niya ako na may bago na, dahil 'yon naman ang kasunduan namin, na kapag nakahanap ng iba ay magsasabi sa isa. Kung sakali, wala namang problema sa akin, e. Matatanggap ko naman," sabi pa ni Ara na halatang masama ang loob sa bagong nadiskubre tungkol sa ex-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang interview sa naturang Viva Hot Babes member, muling nagkatagpo ang landas nina Ara at Polo pero sinikap maging civil ng sexy actress. Sa katunayan, nagawa pa raw biruin ni Ara ang ex-boyfriend kay Zarah.

Tikom naman ang bibig ni Polo at ayaw mag-comment sa isyu dahil pinagsabihan na raw siya ng Mommy niya na baka lalo lang lumaki ang isyu kung sasagutin niya ito.

Ikinalungkot naman ng mga kaibigan ng ex-couple ang balitang ito dahil buong akala nila ay mag pag-asa pang magkabalikan ang dalawa. Sa mga interbyu kasi nila ay parating sinasabi nina Ara at Polo na mahal pa nila ang isa't isa. Pilit din daw inaayos ang kanilang relasyon, kaya marami ang umasa na magkakaayos ulit sila lalo na ngayong magkasama sila sa bagong show ng GMA-7 na Lupin. Pero sa takbo ng mga pangyayari, mukhang hindi na nga ito mangyayari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN