23rd PMPC Star Awards: Star-studded and Successful!

IMAGE 0


Jericho Rosales, who also won the Best Actor award for Pacquiao The Movie, did not expect to be called after the first winner's name, Piolo Pascual, was announced. He said in his speech, "This night, this is God's work for me."


Nag-tie for Best Actor sina Jericho Rosales for Pacquiao The Movie and Piolo Pascual for Don't Give Up On Us sa Star Awards for Movies na ginanap sa UP Theater noong March 23.

Hindi kaagad tumayo si Jericho Rosales nang banggitin siya bilang winner. Nasa right side lang siya ng entablado as host, at hindi niya marahil inasahan na matapos sabihin ang pangalan ni Piolo ay isusunod ang kanyang pangalan. Napasigaw pa si Heart ng ‘Ano?' kaya inulit ng presenter na si Ina Raymundo ang pagdeklara ng Best Actor winners. Mahigpit nagyakapan sina Heart at Echo at saka pumunta ang huli sa gitna para tanggapin ang kanyang trophy.

Sa acceptance speech ni Echo, dati raw, umuuwi siya kaagad kapag nominado siya sa mga awards night. Hindi na niya hinihintay ang announcement ng winner para pag-uwi raw niya ay winner pa rin siya. Inamin din niya na sa point ng career niya ay dumating yung nadismaya siya, nawalan ng gana, at "namundok."

Samntala, hindi naman nakarating ang ka-tie ni Jericho na si Piolo. Nagte-taping daw ang aktor sa Zambales para sa drama series nito sa ABS-CBN na Walang Kapalit.

Sa Best Actress category naman, hindi nakahabol ang winner na si Judy Ann Santos na sinasabing 48 years nang nasa Quirino Avenue at na-traffic galing sa taping ng Ysabella,ang upcoming soap niya sa ABS-CBN kung saan makakatambal niya muli si Ryan Agoncillo. Ang kanyang kapatid na Jeffrey Santos ang tumanggap ng tropeo.

Bale, nanalo si Juday para sa pagganap niya sa Kasal, Kasali, Kasalo. Ito na ang ikatlong best actress award ni Juday para sa nasabing pelikula, nanalo na rin siya sa Metro Manila Film Festival at sa Golden Screen Awards.

Maugong ang balitang nag-iwasan sina Judy Ann at Piolo dahil may gap daw ang dalawa. May tsismis na kung sakaling manalo si Juday bilang best actress at si Piolo ang best actor ay hindi raw feel ng manager ni Juday na si Alfie Lorenzo na pagsabayin ang dalawa sa group picture ng mga winners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa hindi pagsipot ni Juday, nangarag ang staff sa biglaang pagpapalit ng line-up ng presenters. Supposedly, si Juday ang presenter ng Best Actor category, pero dahil wala nga siya, si Ina ang pumalit, na sa Best Actress category naka-assign dahil past winner siya ng naturang kategorya. Si Ara Mina naman ang pumalit kay Ina.

Biruan sa awards night, tambak ang mga Santos dahil nandoon din sina Gerald Santos, Aicelle Santos, Tala Santos, at Jeffrey Santos. Pero ni anino ni Judy Ann ay wala.

Guests. Kahit wala ang recipients ng dalawa sa major awards na ipinamigay, matagumpay pa rin namang naidaos ang Star Awards for Movies. Star-studded pa rin ito dahil sa pagdalo nina Ogie Alcasid, Ai-Ai delas Alas, Kuh Ledesma, Jaya, Roderick Paulate, Carlo Aquino, Jiro Manio, Sam Milby, Maja Salvador, Christian Bautista, Ara Mina, Pauleen Luna, Ina Raymundo, Assunta de Rossi, Jason Abalos, Kim Chiu, at iba pa.

Isa sa mga maagang dumating ay si Andrea del Rosario. Feeling niya ay winner na rin siya dahil nakahilera niya sina Juday, Maricel Soriano, Nora Aunor, Gina Pareño at Cherry Pie Picahe bilang nominado.

Solo namang dumating si Pauleen Luna. "Walang lovelife?" bati namin sa kanya. Nag-one liner lang siya ng: "Masaya kaya ang loveless!"

Speeches. Kung ano ang galing ng batang si Tala Santos sa Inang Yaya ay siya namang kabaliktaran nung gabing iyon. Ang tagal niya sa entablado at hindi pala alam kung ano ang sasabihin nang manalo siya as Best Child Performer para sa nasabing pelikula ni Maricel Soriano. Kinailangang i-coach pa siya ng direktor. After 10 minutes, saka lang niya nasabi ang linyang "Maraming salamat sa PMPC."

Inorasan naman ng isang katoto ang speech ni Kuya Germs na nahirang na Ulirang Artista awardee. Akala ng marami ay uubusin ng Master Showman ang oras sa mahaba nitong litanya, pero umabot lang ito ng 5 minutes and 19 seconds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaw-eksena naman ang hindi sinasadyang naputol na takong ng sapatos ng tumanggap ng award for Inang Yaya ng Unitel Pictures para sa kategoryang Digital Movie of the Year. Akala ng audience ay na-stroke ito dahil hindi makalakad papuntang gitna ng stage. Nagulat na lang ang lahat nang binitbit nito ang sapatos at nagpaa-paa na lamang. Kaya bukod sa tropeyong hawak, hindi mapigilan ng lahat na magtawanan dahil sa kabilang kamay ay hawak niya ang sapatos.

Kapansin-pansin din na hindi napasalamatan ng Best Supporting Actor winner na si Allen Dizon ang kanyang talent manager na si Dennis Evangelista, pati na ang direktor na si Mel Chionglo at scriptwriter na si Ricardo Lee para sa Twilight Dancers. Buti pa raw si Direk Arman Reyes ay napasalamatan niya. Biruan tuloy, baka feeling ni Allen ay ang pelikulang Motel ni Direk Arman ang nagpanalo sa kanya at hindi ang Twilight. Dahil siguro sa kaba at first time niyang tumanggap ng major award kaya marami siyang nakalimutang pasalamatan.

Hosts, presenters, performers. Dalawang araw na kabado si Iza Calzado bago ganapin ang parangal dahil first time niyang mag-host ng ganito kalaking affair. Panay ang tanong niya sa ama na si Direk Lito Calzado kung kakayanin kaya niya.

In fairness, naging maayos naman ang trabaho ni Iza lalo pa nga't inalalayan siya ni Dingdong Dantes na naging co-host niya. Maging si Jericho, na noon ay nagka-isyu dahil sa kanyang English, ay very much in control.

Bongga rin ang trivia ni Ryan Agoncillo na talagang ni-research at pinag-isipan. Pampagising naman ang production number ni Ai Ai na super ang lifting stunts at nakakabilib ang pagpapalit-palit ng costumes.

Hindi naman sabay na dumating sina Mon Confiado at Ynez Veneracion kaya hindi rin sila nagsabay bilang presenters. Mabagal yatang mag-ayos si Ynez kaya iniwanan ni Mon.

Humigit-kumulang sa tatlong oras tumagal ang awards night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Controversy? Galit na galit naman ang Starview Productions, producer ng Star Awards, at na-high-blood pati ang floor director na si Lito Calzado sa buong pamunuan ng UP Theater dahil sa bagong patakaran nito. Sobrang higpit daw, to the point na gusto raw pakainin ang mga artista sa isang lugar na malamok at malapit daw sa drainage, dahil nga wala raw sa usapan ang pagdadala ng food.

Nagdadalawang-isip raw ang production team kung uulit pa sila sa nasabing venue na "government-owned pa naman kaya may karapatan ang mamamayang Pilipino na magdaos ng affair dito." Tila wala raw kasi sa bokabularyo ng bagong pamunuan ng UP Theater ang salitang "consideration."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang representative ng new management ng UP Theater at heto ang kanilang naging pahayag: "They signed a document containing all the theater booking procedure and policies. There were requirements, which they submitted bits and pieces, pero hinayaan na lang natin. They gave a list stating that there will be 67 people, but even the day prior to the event, may pahabol pa, yung mga alalay. The tarps, walang sizes, at ang daming dumagdag sa list na noon ay hindi pinag-usapan.

"We never, never talked about food, and they never, never mentioned about food. Pagdating ng 3:00 pm nung mismong date ng actual event, we received a fax saying that they have a caterer, na ito yung mga waiter, with listahan, detalye pa talaga. Given that it wasn't part of the plan and agreement, I asked ‘bakit may catering? saan ilalagay ito?' And it was clearly stated in the contract that "eating is only allowed at the lobby and the dressing room," so bawal, and it was disapproved.

"Nakiusap pa rin sila na dun sa loading dock na lang magse-serve. And instead of the waiters, yung pitong utility na in-applyan nila ang kukuha ng food at magdadala sa dressing room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But when I went to the theater and found out that there are mono-blocks being used. Normal procedure lang to ask, at ang sinabi sa akin, naka-set up na iyong buffet. Then I turn around to face Jojo Evangelista (a non-UP-employee who used to be with the old admininstration of the theater, and who was there handling the logistics of the actual event, even if there's already a Cris Dominguez, who's appointed to handle those things). And for some reason, the move was misinterpreted and the director flared up.

"Hindi po namin sila inapi, Hindi po namin sila pinalabas. We had the right to cancel it, pero dahil suki, pinagbigyan namin. At kahit pa lumampas na sila sa oras, ‘di na namin sila sinigil. Kahit maraming dumagdag, at bits and pieces ang submission, pinalampas natin. We had conditions, but they broke it. We don't want to make a big deal out of it."

Ayon pa sa taga-UP Theater, kung napag-usapan lang daw nang maayos at nabanggit nang mas maaga, naiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan.

Click more photos to view the Star awardees and performers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN