Gladys Reyes ignores woman claiming to be her real mother

IMAGE 0


"Alam ko naman kung sino ang tunay kong mga magulang. May parte na kamukha ko mommy ko at may parte rin na kamukha ko daddy ko. Pati kutis naming tatlo ay pareho kaya saan niya nakuha ang balitang ako raw ang anak niya?" says Gladys Reyes about the woman claiming to be her real mother.


Na-praning si Gladys Reyes nang may biglang mag-claim na isang babae na siya diumano ang tunay na ina ng aktres. Ayon sa babaeng nagke-claim, ang tunay na pangalan daw ni Gladys ay Bernadette Ayala. May mga pictures at birth certificate daw ang naturang babae bilang patunay na si Gladys ang anak niyang nawawala.



"Ganu'n? Ayala ako? Kaya siguro flawless ako. May lahing mestiza pala talaga ako!" nagbibirong pahayag ni Gladys sa dressing room ng AFP Theater para sa last taping day ng GMA-7 primetime drama series na Bakekang.



Pero ang ipinagtataka raw ni Gladys ay kung totoong matagal na siyang hinahanap ng naturang babae, bakit daw hindi siya mapuntahan nito noon pa?



Aniya, "Imposible naman yung sinasabi niyang hindi raw niya ako matagpuan. Hello naman, parati akong nasa TV! Hindi ako nabakante since Mara Clara kaya alam niya kung saan ako puwedeng matagpuan.



"Tsaka alam ko naman kung sino ang tunay kong mga magulang. May parte na kamukha ko mommy ko at may parte rin na kamukha ko daddy ko. Pati kutis naming tatlo ay pareho kaya saan niya nakuha ang balitang ako raw ang anak niya?" nagtatakang sabi ni Gladys.



Nagbiro pa nga si Gladys na kung may mamanahin daw siyang malaki, papayag siyang maging anak ng babaeng ito.



"Kung talagang Ayala siya at kung may mamanahin akong milyones, sige ako na ang anak mo!" sabay tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN