Ryza Cenon and Mark Herras team up for the first time after controversy

IMAGE 0


"Ako naman, expected ko na na magkakaroon ng issue dahil lagi kaming magkasama ngayon ni Mark, e. Kung magka-issue at negative na naman, handa na po ako dun. Ganyan naman talaga sa showbiz, e," says Ryza Cenon about her team-up with Mark Herrras, who was once linked to her.


Umaasa ang Ultimate Female Survivor ng StarStruck 2 na si Ryza Cenon na magugustuhan ng fans ang kanilang tambalan ni Mark Herras sa Fantastic Man, ang pinakabagong programang handog ng GMA-7 na mapapanood every Saturday, starting April 14.

Bukod kina Ryza at Mark, na siyang gaganap bilang Fantastic Man, kasama rin dito sina Jackie Rice, Joey Marquez, Ariel Rivera, Paolo Contis, Rez Cortez, Ping Medina, at marami pang iba.

"Bale, nandito nga yung challenge sa aming dalawa ni Mark. I mean, hindi namin alam kung tatanggapin ba ito ng tao or what. Ito yung ipinagdarasal namin na sana ay matanggap ng mga tao. Na kahit may issue noong past, na negative ang dating, sana ay matanggap ng mga tao," saad ni Ryza sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Ay, Robot! last March 23.

Bukod sa pagtanggap ng fans sa kanila ni Mark, umaasa ang young actress na makakaiwas na siya sa mga hindi magagandang intriga. Matatandaang na-trauma ang 19-year-old na dalaga nang bansagang ahas sa relasyon noon nina Mark at Jennylyn Mercado. Inintriga at pinagselosan siya ni Jennylyn dahil sa pagiging malapit niya kay Mark.

"Trabaho naman po ang usapan dito at sana ay wala nang negative na issue," sabi pa ni Ryza.

Idinagdag pa ng dalaga na career ang concentration niya. Wala rin daw ilangan sa kanila ni Mark kahit nagkaroon ng intriga sa kanila before.

"Okay naman kami ni Mark, e," banggit ng young actress. "Wala namang kaso sa amin ‘yon. After ng incident na nagka-issue sa amin, talagang medyo lumayo ako, hindi lang kay Mark kundi pati sa ibang boys. Parang hindi na ako masyadong nakikipag-close sa boys, kasi dun ako nami-misinterpret, e. Sobrang malambing po kasi ako at makulit, so nami-misinterpret ng mga tao yung mga kilos ko. So medyo limitado na ngayon, parang may wall siya at hindi na gaya ng dati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Ako naman, expected ko na, na magkakaroon ng issue dahil lagi kaming magkasama ngayon ni Mark, e. Kung magka-issue at negative na naman, handa na po ako dun. Ganyan naman talaga sa showbiz, e. Pero sana, kung puwede, umaasa akong wala nang ganung dumating, kung puwede lang po sana."

Paano kung ligawan siya ni Mark?

"Ligawan? Ngiii!" nakatawang saad niya na napangiwi pa ang mukha dahil allergic talagang maintrigang muli. "Hindi po muna siguro. Marami pa kasi akong pangarap, e. Kung ligawan ako, e... Hindi naman siguro, kilala ko naman si Mark, e. As a friend na lang siguro kami," nakangiting pagtatapos na ni Ryza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN