Jennylyn Mercado ready to face Alessandra de Rossi

IMAGE 0


Alessandra de Rossi (left) will be joining the cast of the drama-adventure series Super Twins, where Jennylyn Mercado plays one of the lead female roles. Alex and Jennylyn had a word war before because of Jeremy Marquez.


Walang takot at handang harapin ni Jennylyn Mercado si Alessandra de Rossi ngayong kasama na ang huli sa cast ng toprated drama-adventure series ng GMA-7 na Super Twins.

Si Alex (palayaw ni Alessandra) ang pinaka-bagong nadagdag sa cast ng Super Twins matapos mag-leave ni Tanya Garcia dahil sa maselang pagbubuntis nito sa anak nila ni incumbent Pampanga Governor Mark Lapid. Two weeks ago nang pirmahan ni Alex ang kontrata para sa nasabing teleserye.

At sa posibleng paghaharap nina Jennylyn at Alex, nagdulot na ito ng samu't saring haka-haka na baka magkaroon ng tensyon sa dalawa sa oras na magkita sila sa taping, lalo't lumalabas ang isyung nati-tensyon na raw si Jennylyn.

Pero taliwas nga sa balitang kumalat, kaswal na nagpahayag si Jennylyn na handa niyang harapin si Alex nang walang tensyon o takot na mararamdaman.

Ayon kay Jennylyn, bago pa man pumirma ng kontrata si Alex ay sinabi na sa kanya ng GMA-7 na idadagdag sa cast ng show ang dati niyang nakairingan na si Alex. Ang advice ay bilang pagrespeto sa kanya ng produksyon.

Siya naman kasi at si Nadine Samonte ang bida sa Super Twins. May karapatang tumanggi ni Jennylyn, pero dahil nga nakaraan na ang isyu sa kanilang dalawa ni Alex ay pumayag siya sa desisyon ng Siete.

Matatandaang nagkaroon ng word war sa pagitan nina Alex at Jennylyn nang mag-break ang una at si Jeremy Marquez. Ito ang kauna-unahang matinding break-up nina Alex at Jeremy na nalantad sa publiko at ang naturong third party ay si Jennylyn.

Pinanindigan ni Alex na nahuli umano niya ang mga text messages sa isa't isa nina Jennylyn at Jeremy. Mariin itong itinanggi ni Jennylyn na nagsabing ang kanyang alalay ang nagti-text kay Jeremy, kasunod ng pahayag nitong hindi nito type ang young actor at huwag umano siyang isali sa problema nilang magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na-resolba ang isyu at never na nagkaroon nang harap-harapang pag-uusap sina Jennylyn at Alex. Ang napipintong paghaharap ng dalawa ay first time na magaganap sa isa sa mga darating na episode ng Super Twins, kung saan kontrabida ang gagampanang papel ni Alex.

Ngayon pa lang, exciting na ang naiisip ng marami sa magaganap na pagkikita ng dalawa. Aminin man o hindi ng staff ng Super Twins, makakatulong ito para lalong abangan ang nasabing serye ng mga nagnanais na matunghayan ang paghaharap nina Jennylyn at Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN