Eric Fructuoso is gearing up to become a boxer?

IMAGE 0


Do you remember How Gee? A dance craze during the '90s which was popularized here by the Gwapings, and it also catapulted the popularity of Eric Fructuoso. His dancing skills elicited the loudest shrieks from adoring fans.


Kung kasikatan ang pag-uusapan, nakipagsabayan siya noon sa trio nila nina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana. Sa kanilang tatlo, siya lang ang walang koneksiyon sa showbiz pero tinilian siya ng mga fans dahil sa galing niya sa pagsayaw. Matatandaang siya rin ang naging unang boyfriend ni Claudine Barretto.

Noong magpasyang mamalagi muna si Mark sa Amerika, humina ang grupo, at 'di naglaon, nabuwag ang Guwapings.

Si Jomari ay napasabak sa drama. Si Mark, matapos ang ilang buwang pagbabakasyon ay nagbalik at nakilala naman sa action/drama. Naging magkatambal pa sila ni Claudine Barretto sa pelikulang Mangarap Ka, and eventually, naging magkasintahan.

Si Eric naman ay napunta sa comedy. Matagal din siyang naging regular mainstay ng longgest-running gag show na Bubble Gang.

Kumusta na kaya si Eric Fructuoso ngayon?

Sa pamamagitan ng text ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating teen heartthrob, at nalalapit na raw ang pagbabalik-telebisyon niya. Isang reality show diumano ang binabalak buuin ng Kapamilya network. Aniya, "May gagawing reality show ang ABS. Not yet finalized pero kasali ako. Yung reality show parang [The] Contender.

Wala pang title at set date para sa taping o airing ang nasabing palabas. Nauna nang nagkaroon noong taong 2005 ang ABS-CBN ng boxing reality show na pinamagatang Kamao at si Robin Padilla ang nagsilbing host.

Tungkol naman sa mga preparasyon ng ginagagwa niya para sa naturang show, aminado si Eric na mahirap ito, "Train ako sa boxing as much as I can. ‘Pag walang training, I jog pero mahirap talaga, because ‘pag may meeting or birthdays, nasisira diet ko. Steamed tilapia [ang] lunch [ko] ‘tapos oatmeal lang kinakain ko."

Gayunpaman, excited ang dating Gwapings member, "Dream ko kasi was to be an athlete pero ‘di ko nagawa. Hindi pro ito pero at least, televised ‘di ba?"

Nang tanungin siya kung ano ang maituturing niyang pinakamagandang alaala niya sa show business. Ang mabilis niyang tugon, "Siguro the most treasured para sa akin was the day na napapasaya namin yung mga fans. When we perform, mga sayaw at kanta... ‘Pag alam kong napasaya ko ang tao, mas masaya ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala man siya sa showbiz ay abala si Eric sa kanyang construction business. At bukod sa pagnenegosyo ay hands on father din siya. Kwento niya sa PEP, "Anak namin ng wife ko, si Una Fructuoso, she's turning two years old. May isang kid na ang pangalan Tres. He's 8 years old pero ‘di ko na siya nakikita."

At nang usisain siya tungkol sa kanyang wife, "Ayaw magpakilala ng wife ko sa public as of now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN