Paolo Contis admits he and Isabel Oli are in "cool-off" stage

IMAGE 0


Paolo Contis denies report that it's Isabel Oli's sexy billboard on EDSA which triggered the cool-off.


Hindi na nagawa pang itanggi ni Paolo Contis na cool-off muna sila ng kanyang girlfriend na si Isabel Oli. Ayon kay Paolo, may kinalaman daw sa pagiging Born-Again Christians nila kung bakit nag-decide silang maghiwalay muna.



Ayaw ngang i-label ni Paolo na break na sila ni Isabel dahil wala naman daw silang naging malaking problema.



"Ang pinaka-safe na tawag sa amin ay cool-off siguro," diin ni Paolo. "Wala namang naging problema talaga. May mga gusto lang kaming ayusin ngayon. Okay naman kami ni Isabel. We just need space muna from each other."



May mga nagsasabi na nag-ugat daw ang problema nina Paolo at Isabel sa billboards ng huli, na kung saan naka-two-piece bikini ang young actress. Hindi raw ito alam ni Paolo at nagulat na lang daw siya nang makita ang mga billboards ng girlfriend na nakabalandra sa EDSA.



Pero mariin namang itinanggi ni Paolo ang balitang ito. Hindi raw siya nakikialam sa trabaho ni Isabel, pero inamin niya na nagulat siya nang makita niyang naka-two-piece bikini si Isabel sa naturang billboards.



Dapat ay magkasama sina Paolo at Isabel sa isang luxury cruise ngayong Holy Week. Pero dahil sa cool off muna sila, nag-decide si Isabel na sa Singapore na lang pumunta para makasama ang pamilya nito.



Kasama si Paolo sa action-adventure series ng GMA-7 na Fantastic Man, starring Mark Herras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN