Janno Gibbs is now a changed man

IMAGE 0


"Yun ang akala nila! Hindi pa kasi ako nagsisimulang magpaka-diva sa set! Wait lang nila ang gagawin ko!" jokes Janno Gibbs about his improved work attitude.


Malaki na raw ang pagbabago ngayon ni Janno Gibbs after niyang mapasama sa malaking cast ng bagong action-adventure series ng GMA-7 na Lupin.



Ayon sa program unit manager ng Lupin na si Ms. Redgie Magno, si Janno pa raw mismo ang tumatawag sa staff para i-remind na ready na siyang mag-taping. Naghihintay lang daw ng tawag ang singer-comedian kung saan ang location at anong oras siya dapat nasa set.



Kung tutuusin ay malaking pagbabago nga ito para kay Janno na naging notorious sa pagiging late parati sa kanyang Kapuso shows na SOP, Nuts Entertainment, at Eat Bulaga!. Kaya laking gulat nga ng staff sa nagiging positive attitude ni Janno lately dahil wala pa itong dinadala na sakit ng ulo sa set.



"Yun ang akala nila! Hindi pa kasi ako nagsisimulang magpaka-diva sa set! Wait lang nila ang gagawin ko!" pagbiro pa ni Janno sa press con ng Lupin.

"Seriously, tinanong ko naman sila kung serious ba sila na kunin nila ako. Kasi baka nabibigla lang sila, e, may panahon pa sila na palitan ako. Pero ako nga raw ang gusto nila for the role of Inspector Clavio Angeles, ang taong gustong hulihin si Lupin [Richard Gutierrez]."



Isang dahilan kung bakit ganado si Janno sa kanyang pagtatrabaho sa set ng Lupin ay dahil nagustuhan niya ang kanyang role at nabibigyan niya ito ng sarili niyang interpretation.



Aniya, "Binibigyan nila ako ng freedom na gawan ng sariling character si Inspector Angeles. Mostly ay comedic ang personality niya, tsaka situational ang mga nagaganap na kapalpakan niya sa trabaho. Kaya it's fun to do, kaya siguro inspired ako.


"Tsaka sayang din ang talent fee, 'no!" tawa pa niya. "Aba, magka-college na ang panganay kong si Alyssa. Pambayad din ng tuition fee niya yung kikitain ko sa Lupin."



Speaking of Alyssa, magde-debut na ang panganay na anak nina Janno at Bing Loyzaga. Sa Boracay magse-celebrate ng kanyang 18th birthday si Alyssa kasama ang ilang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Yun na ang treat namin sa kanya for her debut. Nagkataon na Holy Week pa, kaya the whole family is there to celebrate Alyssa's 18th birthday. Gusto kasi niya ay ibang klaseng debut kaya sa Boracay na namin ito gagawin," kuwento ni Janno.



Dagdag pa niya, "Sa totoo lang, I feel old kasi parang kailan lang, si Alyssa e, karga-karga ko lang. Ngayon, isa na siyang full-grown lady. Nakakatuwa rin kasi lumaki siya na parang barkada ko lang.

"I admit na nagkaroon kami ng tampuhan before nang dahil sa nangyari sa amin ng Mommy niya. Matagal din akong hindi kinausap ng anak ko. Pero unti-unti ay nabalik din ang magandang relationship namin. Now, we're best friends again. Kaya nga nabola ako na mag-debut siya sa Boracay, e!" nagbibiro pa niyang sabi bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN