Mark Bautista reveals short-lived romance with a female Kapuso star

IMAGE 0


This is how Mark Bautista describes Irish Fullerton: "Physically attractive si Irish. Kuwela siyang kasama at nagulat ako na magaling siyang mag-Tagalog. At least, hindi ako masyadong mahihirapang makipag-usap sa kanya."


Kababalik lang ng young singer na si Mark Bautista with co-ASAP Champions Sarah Geronimo and Rachelle Ann Go for two shows sa Australia. Bago ‘yon, kasama naman niyang nag-show sa Canada sina Sarah, Kris Lawrence, and Jimmy Marquez.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa press con na ipinatawag ng Viva Artists Agency (VAA) para sa kanilang talents kagabi, March 29.

Ano ang masasabi ni Mark sa balitang botong-boto sa kanya ang Mommy ng balitang nililigawan niyang si Irish Fullerton, a finalist sa Pinoy Dream Academy (PDA)?

"Honored ako na sabi nga nila, okay daw ako sa Mommy ni Irish. Sayang nga na wala ako rito nang bumalik na siya sa Los Angeles. Nagti-text kami ni Irish, kaya alam ko na kababalik din lang niya from Boracay dahil nag-taping sila ni Luis [Manzano] ng Your Song," sabi ni Mark.

Ano ang nagustuhan niya kay Irish?

"Physically attractive si Irish," natatawang wika ni Mark. "Kuwela siyang kasama at nagulat ako na magaling siyang mag-Tagalog. At least, hindi ako masyadong mahihirapang makipag-usap sa kanya.

"Alam niyang gusto ko siya," patuloy niya. "Doon na ako patungo, sa panliligaw sa kanya. Tinanong ko sa kanya kung nanliligaw ba sa kanya si Luis, hindi raw, friends lang sila. Pero pareho po kaming busy, twice pa lang kaming lumabas. Nagpaplano kaming lumabas ulit bago siya umalis kasama ng PDA Top 6 papuntang States."

If ever ba na maging sila ni Irish, siya ba ang magiging first showbiz girlfriend niya?

"Hindi po," mabilis na tugon Mark. "May naging showbiz girlfriend na ako, last year pa, pero hindi kami nagtagal. Siguro mga three months lang kami. Naging complicated po ang relasyon namin dahil taga-GMA-7 siya, ako naman nasa ABS-CBN. Mutual decision namin ang maghiwalay, pero friends pa rin kami hanggang ngayon.

"Artista po siya, paminsan-minsan kumakanta rin. May regular show siya sa GMA-7 ngayon at paminsan-minsan, nagge-guest din siya sa ABS-CBN," pagbibigay ng clue ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi napilit si Mark sabihin kung sino ang girl na tinutukoy niya. Mas mabuti na lang daw na maging sikreto ito forever tulad ng napagkasunduan nila.

Bukod sa ASAP '07 ay regular ding napapanood si Mark sa drama series na Sana Maulit Muli. Makakasama rin siya sa movie nina Regine Velasquez at Piolo Pascual for Viva Films and Star Cinema.

Malapit na ring i-release ng Viva Records ang third album ni Mark, ang Every Now and Then, na may 14 tracks revivals ng mga songs from the ‘80s.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN