Bong Revilla on hostage crisis: "I'd rather risk my life at ma-solve yung problema."

Apr 1, 2007
With Senator Bong Revilla acting as the negotiator, the hostage drama which involved 26 children and 4 teachers, and took place last March 28. seemed like a scene from an action movie. But the weapons and the danger were real. The bus crisis lasted for 10 hours.

Halos buong bansa ay tumutok sa naganap na hostage crisis sa Maynila noong Miyerkules, Marso 28. Isang bus na lulan ng mga bata at guro ang na-hostage sa isang lugar na 'di kalayuan sa Manila City Hall.

Siyempre nakita rin nating lahat ang pagdating ni Senador Bong Revilla sa eksena, kung saan siya ang nagsilbing negosyador.

Hiniling diumano ng isa sa mga hostage taker na si Armando "Jun" Ducat na makausap ang senador at pinagbigyan naman ito ng huli. Matagal nang kakilala ni Bong si Jun. Sa katunayan, inaanak ni Jun ang ikalimang anak ni Bong na si Loudette.

Ayon pa sa mga nakalap na impormasyon, dating kotratista sa export zone ng Cavite si Ducat. Siya rin ang may-ari ng Musmos Day Care Center kung saan nag-aaral ang mga batang lulan ng bus na kanyang isinangkot sa hostage drama.

Taliwas sa unang napabalita, 26 na bata at apat na guro ang lulan ng bus. Samantala, bukod kay Ducat, mayroon pa siyang dalawang kasamahan sa pangho-hostage.

Continue reading below ↓

Ayon sa taped interview ng Startalk noong Marso 31 kay Bong, malayo sa pagkakakilala niya ang Ducat na nakita niya sa bus. "Noong unang nakita ko 'yong 32 na bata na nasa loob ng truck, hindi napanatag ang loob ko dahil kilala ko 'yong tao. Alam ko na hindi siya ganoon kasama, hindi siya capable na gawin ang ganoon, na pasabugin ang granadang hawak niya kaya naglakas-loob na rin akong humarap."

Bagama't mapanganib, hindi na inalintana ng senador ang anumang pwedeng mangyari, at naglakas-loob na lamang siyang makipag-usap kay Ducat na sinasabing aramado ng .45 caliber pistol, granada at UZI.

Ayon kay Bong, dalawa ang naging hiling ni Ducat, edukasyon at pabahay para sa mga bata sa Musmos Daycare Center. At ang naging sagot naman ni Bong, "Sa edukasyon, sasagutin ko. Pwede kong matulungan itong mga batang ito pero 'yong pabahay hindi ko kaya iyan."

Matapos ang halos isang oras na negosasyon, humiling si Ducat na maghintay hanggang alas-siyete ng gabi. At noong dumilim, hiniling niya na magsindi ng kandila.

Continue reading below ↓

Kahit na naiintindihan ni Bong ang nais iparating ng kanyang kumpare, labis pa rin itong nag-alala para sa kaibigan, "Parang ano siguro iyon maliwanagan ang kaisipan. Parang gusto niya lang siguro na magkaroon ng wake-up call ang mga Pilipino. Pero sabi ko nga mali, mali 'yong paraan. Pwedeng terrorist act ito, e. Mabigat na kaso 'to. Hindi pangho-hostage ang kalutasan sa anumang problema."

Samantala, labis namang nabahala si Lani Mercado sa mga nangyari. "Unang nakita ko 'yung footage, umiyak na ako kasi noong nagmo-monitor ako sa radyo. Wala akong ibang magawa kundi magdasal, magdasal. 'Tapos 'yun na 'yong worry mo na baka malaglag 'yong granada dahil tinaggal 'yong pin. 'Yong worry mo na nandoon sa vicinity 'yong anak mo at saka asawa mo," pahayag ni Lani.

Ang tinuran naman ng senador sa pag-aalala ng kanyang maybahay, "I thank my wife for all the sacrifices, for holding on, for loving me. Kumbaga talagang 'til death do us part."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla, Lani Mercado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With Senator Bong Revilla acting as the negotiator, the hostage drama which involved 26 children and 4 teachers, and took place last March 28. seemed like a scene from an action movie. But the weapons and the danger were real. The bus crisis lasted for 10 hours.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results