"Showbiz Central" replaces "S-Files"

IMAGE 0


Among the four hosts, John "Sweet" Lapus and Pia Guanio will be retained to be part of GMA-7's new Sunday showbiz talk show Showbiz Central, where they will be joined by Raymond Gutierrez (right).



Magbabagong bihis ang S-Files next month with a new title and a new set of hosts.

Hindi raw replacement kundi reformatting lang ang mangyayari sa S-Files nitong second week of April, ayon sa very reliable source na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) about this. The same production staff behind pa rin naman kasi, same format, and almost the same stars ang bubuo ng bagong show.

Ang PEP ang unang naglabas ng pagbabagong ito sa S-Files kahapon, March 30.

Showbiz Central na ang pangalan ng bagong Sunday showbiz talk show ng GMA-7. This is to be hosted by Pia Guanio, John Lapus, and Raymond Gutierrez.

Richard Gomez has already left the show nang nagdesisyon siyang kumandidato for senator this May. Si Paolo Bediones, magkakaroon ng primetime game show after 24 Oras.

Hinahanapan pa si Joey Marquez although may dalawa siyang bagong show na magsisimula na rin, ang Fantastic Man ni Mark Herras na magpa-pilot on April 14 at ang replacement show sa magsasara na ring Lagot Ka Isusumbong Kita, ang Sino'ng Nanay Mo?.

Showbiz Central premieres on April 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN