DJ Mo Twister will also be part of "Showbiz Central"

by Nitz Miralles
Apr 2, 2007
The controversial DJ Mo Twister will have a segment—reportedly very much like his "40 Forbidden Questions" on his radio show—in Showbiz Central, the show that will replace S-Files.

Showbiz Central ang title ng showbiz-oriented show ng GMA-7 na papalit sa S-Files at magpa-pilot ito sa April 15. Si Raymond Gutierrez ang main host nito kasama sina Pia Guanio at John "Sweet" Lapus.



Kasama rin si DJ Mo Twister sa show, pero may segment lang siya at hindi siya maghu-host ng buong show. Ang balita'y gagawin nito sa Showbiz Central ang ginagawa sa kanyang Good Times With Mo morning show sa Magic 89.9, particularly ang controversial "40 Forbidden Questions" segment.

In-offer din si Ryan Agoncillo na isa sa maging host ng Showbiz Central, pero hindi siya pumuwede dahil may commitment siya sa ABS-CBN. Tinatapos nila ni Judy Ann Santos ang taping ng drama series nilang Ysabella at dalawang pelikula ang nakatakdang gawin niya sa Regal Entertainment.



Obviously, bibigyan ng youth flavor ng GMA-7 ang bagong show sa line-up ng kanilang hosts mula kay Raymond hanggang kina Pia, John, at Mo. First showbiz-oriented ito ng kakambal ni Richard Gutierrez at sa husay nitong host, make-carry niyang mag-deliver ng all-showbiz news.

Continue reading below ↓



Bibigyan daw ng bagong show si Paolo Bediones, samantalang si Joey Marquez ay may Fantastic Man at isang sitcom with Raymart Santiago and Jean Garcia.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The controversial DJ Mo Twister will have a segment—reportedly very much like his "40 Forbidden Questions" on his radio show—in Showbiz Central, the show that will replace S-Files.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results