Francis Enriquez: His Stab Wounds are Healed!

Apr 5, 2007
Francis Enriquez started in showbiz as Monday group member of GMA-7 defunct show That's Entertaiment. In the '90s, he became a sexy actor and starred in movies like Hamog sa Bukang Liwayway (with Via Veloso and Baldo Marro) and Sabig sa Pag-ibig (with Mark Dionisio and Tiffany Craig). His career was halted by a stabbing incident which involved his manager Ramon.

Natatandaan pa ba ninyo si Francis Enriquez? Isa siya sa mga sumikat na pangalan sa hanay ng mga bold actors noong dekada ‘90. Naging mainit ang kanyang pangalan dahil nasangkot siya sa isang gulo na nauwi sa pananaksak ng kanyang dating manager na si Ramon habang nasa loob sila ng sasakyan.

Hinanap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ang una naming naging tanong, kumusta na sila ng kanyang dating manager?

"Sa ngayon, okey naman kami. Nakalimutan na namin ang nakaraan. Patuloy pa rin sa kanyang trababaho, ako naman ganun din," sagot ni Francis.

Dagdag pa niya, "Masasabi kong 'yon ang pinakamatinding nangyari sa akin sa showbiz. Ang pangit lang dito ay nagkaroon ako ng trauma, naging pangit din sa career ko. Masasabi kong nakatulong naman, pero sa akin mahirap ko itong makalimutan dahil may mga marka pa rin ako." Ang tinutukoy niya ay ang mga peklat na iniwan ng pagkaka-saksak sa kanya.

Continue reading below ↓

May mga naniniwalang may relasyon diumano si Francis at ang manager nito. Nang tanungin siya kung ano ang masasabi niya sa relasyong talent-manager, "Depende rin sa pagsasama 'yan ng manager at ng talent, e."

Pagpapatuloy niya, "So, sana huwag na lang humantong sa sakitan, even though hindi maiiwasan na magkaroon ng relasyon. Pero sana iwasan na lang yung hahantong sa hindi maganda."



Nadiskubre si Francis habang naglalaro ng basketball sa kanilang lugar sa Malacañang ng isang manunulat. Pinag-audition siya sa sikat na youth-oriented TV show ni Kuya German Moreno, ang That's Entertainment. Napabilang siya sa Monday group at ang kanyang mga ka-batch na hanggang ngayon ay nasa showbiz pa rin ay sina Judy Ann Santos, Glydel Mercado, Ace Espinosa, at iba pa.

Nakagawa si Francis ng humigit-kumulang sa 30 movies. Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ay Hamog sa Bukang Liwayway, Sabik sa Pag-ibig, at Dalawang Pisngi ng Langit—lahat ay may temang sexy.

Continue reading below ↓

Ayon kay Francis, hanggang pagpapakita lamang ng kanyang puwet ang nagawa niya sa kanyang bold movies. Bagamat nakilala siya bilang bold actor, nakagawa rin naman si Francis ng wholesome projects. Ang pinakahuling appearance niya ay taong 2003, sa teleserye nina Judy Ann at Robin Padilla sa ABS-CBN, ang Basta't Kasama Kita.

Nagkaroon din si Francis ng self-titled album under Rocks Records at dito ay pinalitan ang kanyang pangalan bilang Francis Llanes. Aniya, new packaging daw niya ito bilang mang-aawit. Subalit hindi pumatok ang kanyang album.

"Siguro hindi lang maganda 'yong pag-build up sa akin, kulang ng publicity. Okay naman siguro kaya lang nagkaroon lang ng konting problema," sabi ni Francis tungkol sa kanyang singing career.

Nagsimula siyang pumunta sa Japan noong 1997 at mula noon ay pabalik-balik na sa nasabing bansa bilang hosto. Nakapag-pundar na rin siya ng isang bar sa Baguio City, ang The Cribs, na matatagpuan sa Nevada Square.

Continue reading below ↓

"Maliban sa bar ay nakapagpagawa na ako ng bahay at nakabili ng mga sasakyan," pagmamalaki pa ni Francis

May pamilya na rin si Francis at may tatlong anak—si Harvey, 13; Richard, 11; at AC, 7—at lahat ay nag-aaral. Sa ngayon, pinaplano niyang makapagpatayo ng iba pang business.

"Mahilig ako sa mga sasakyan, e. Gusto kong makapagpatayo ng business kahit na mga used cars," sabi niya.

Samantala, ilan sa mga kontemporaryo nito sa That's ay nasa pulitika na, gaya nina Isko Moreno at Robert Ortega. Wala ba siyang balak na sumunod sa mga yapak ng mga naging kasamahan niya?

"Sa ngayon, wala pa pero marami ang nagsasabi sa akin na tumakbo sa pagka-kosehal sa distrito namin sa may Malacañang. Sabi ko, 'pag-iisipan ko munang mabuti kasi maraming binabatikos ngayon na mga artista na nagtu-turn into politicians.' Undergraduate lang tayo sa kursong BS Math sa PUP. Siguro mauungkat din 'yong nakaraan, siyempre. Secondary na yung hindi ka nga nakatapos," paliwanag ni Francis.

Continue reading below ↓

Inamin ni Francis na kung meron siyang pinagsisisihan sa kanyang pagpasok sa showbiz, ito ay yung gulo na naganap sa kanila ng kanyang manager. Ito rin daw ang dahilan kung kaya't hindi niya papayagan ang kanyang mga anak na pumasok sa showbiz.

"Pagdating sa mga anak ko, hindi ko muna sila papayagang mag-artista dahil siguro sa nangyari sa akin. Mag-aral na lang muna sila dahil sa hirap ng buhay ngayon, maraming walang trabaho, lalo na 'yong di nakapagtapos," aniya.

Speaking through experience, nagbigay ng payo si Francis, "Sa mga lalakeng gustong pumasok sa showbiz na may bading na manager, gawin na lang nila ang kanilang trabaho. ‘Tapos kung may nararamdaman sila sa isa't isa ay isantabi muna. Kung trabaho, trabaho. Kung pag-ibig, pag-ibig. Sana huwag din humantong sa trahedya," ani Francis bilang pangwakas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Francis Enriquez started in showbiz as Monday group member of GMA-7 defunct show That's Entertaiment. In the '90s, he became a sexy actor and starred in movies like Hamog sa Bukang Liwayway (with Via Veloso and Baldo Marro) and Sabig sa Pag-ibig (with Mark Dionisio and Tiffany Craig). His career was halted by a stabbing incident which involved his manager Ramon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results