Jennylyn Mercado and Alessandra de Rossi end their rift

Apr 3, 2007
Young actresses Alessandra de Rossi (left) and Jennylyn Mercado finally kiss and make up during the taping of Super Twins. The two had a falling out when Jennylyn was linked to Alex's ex-boyfriend Jeremy Marquez.

Nagkita at nagkaayos na sina Alessandra de Rossi at Jennylyn Mercado.

Kahit Holy Tuesday, tuloy pa rin ang taping for the GMA-7 toprating show Super Twins starring Jennylyn, Nadine Samonte, and Dennis Trillo. Sa Parks and Wildlife ang location for the day at dito kukunan ang pagkakamatay ni Doña Besta played by Tetchie Agbayani.

Contracted for two weeks si Alessandra to join the series playing Nickellina, ang half-sister ni Manuel played by Ian de Leon, na ama ng kambal na sina Sha-Sha and Tin-Tin na nagiging Super Twins.

Last week ang first taping day ni Alex. Hindi sila nagpang-abot ni Jen dahil magkaiba ang location at call time ng dalawa.

Today, April 3, kinunan ang unang eksenang magsasama sila. Ten o'clock in the morning ang call time ni Jennylyn at three o'clock in the afternoon naman si Alex.

From where she is resting, Jen got up to personally meet Alex nang dumating ang huli. Binati ni Jen si Alex and Alex returned the gesture. Nagbeso silang dalawa. It marked the end of their issue.

Continue reading below ↓

Last year, the two were caught in a triangle over Jeremy Marquez, Alex's ex. Mahaba ang naging patutsadahan ng dalawa. Kahit nag-split na sina Alex at Jeremy, hindi pa rin nagkaayos sina Alex at Jen.

Expected na sa pagpasok ni Alex sa show ni Jen, dito sila magkakausap. Sa first taping nga ni Alex last week, complete ang GMA-7 TV crew to hopefully catch the event. Hindi ito natuloy. This time, ngayong nagkaayos na sila, wala namang camera to record it.

Sabi ng mga nakasaksi, walang tension na namagitan sa dalawa and seemingly, nagkaayos na nga. Nakunan na rin ang first scene nila together after that meeting.

Next week papasok si Alex as Nickellina sa Super Twins.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actresses Alessandra de Rossi (left) and Jennylyn Mercado finally kiss and make up during the taping of Super Twins. The two had a falling out when Jennylyn was linked to Alex's ex-boyfriend Jeremy Marquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results