Vic Sotto denies secret marriage with Pia Guiano in the US

by Rose C. Dionson
Apr 3, 2007
"Hindi totoong nagpakasal kami ro'n. Ang ganyang bagay ay hindi ikinakahiya kaya hindi dapat itago. Kung sakali, i-a-announce namin 'yon," says Vic about the rumor that he and girlfriend Pia Guanio were secretly married in the US.

Mariing itinanggi ng TV host-comedian na si Vic Sotto ang tsismis na nagpakasal na sila nang lihim ng girlfriend niya at Eat Bulaga! co-host na si Pia Guanio sa US, kung saan nagbakasyon sila noong Pebrero. Ayon kay Vic, totoong nagtungo sila ni Pia sa Amerika, pero nag-bonding lang sila at walang naganap na kasalan.

"Hindi totoong nagpakasal kami ro'n. Ang ganyang bagay ay hindi ikinakahiya kaya hindi dapat itago. Kung sakali, i-a-announce namin 'yon," ani Vic sa panayam ng The Buzz noong April 1.

Inamin naman ng Box-Office King na may mga pagkakataong napag-uusapan nila ni Pia ang tungkol sa kasal, pero wala pa raw detalye.

"I am not getting any younger and Pia seems to me a very good wife material, pero sa ngayon hindi pa namin napag-uusapan ang mga detalye tungkol doon," aniya pa.

Bukod dito, nilinaw rin ni Vic ang isyu na siya ang nagpatanggal kay Inday Garutay sa Klownz, ang comedy bar na pagmamay-ari ni Allan K, na isang mainstay sa Eat Bulaga! Diumano, nairita si Vic dahil parating binabanatan ng nabanggit na stand-up comedian sa mga show niya sa comedy bars ang kapatid ni Vic na si Tito Sotto na tumatakbo sa pagka-senador.

Continue reading below ↓

"I think nasagot na ni Allan K. 'yan, e. Hindi totoo, wala akong kinalaman diyan," ang matipid na sagot ni Vic.

Sa hiwalay na panayam, pinabulaanan nga ni Allan K ang nasabing akusasyon kay Vic.

"Tinanggal siya [Inday Garutay] sa Klownz dahil madalas na siyang absent sa comedy bar. Napakarami kasi niyang raket kaya napupuyat siya at hindi na magawang makarating sa shows niya sa Klownz," paliwanag ni Allan K.

Samantala, pinabulaanan din ni Vic ang lumabas na balitang hinayang na hinayang siya sa milyones na ipinautang sa anak na si Danica Sotto at asawa nitong cager na si Marc Pingris nang kinailangan ng dalawa ang karagdagang puhunan sa itinayong restaurant.

"Ganun naman talaga sa negosyo. Minsan, hindi mo alam ang mangyayari. Ang maganda sa kanila, hindi sila sumusuko. Alam naman nila na narito lang ako para suportahan sila," pahayag ng butihing ama.

Samantala, ipinagmalaki ni Vic na katatapos lang niyang sumailalim sa routine executive check-up kung saan sinabi raw ng mga doktor niya na he's "in tip-top shape." Inamin naman ni Vic na sadyang health conscious siya at maingat sa kaniyang kinakain.

"I eat only when I'm supposed to eat, and I'm careful with what I put on the plate," aniya pa.

Naniniwala rin si Vic na malaki ang naitulong sa kanyang kalusugan ng ginawa niyang paghinto sa paninigarilyo. Siyempre pa, sa parteng ito ay pinasasalamatan niya nang malaki si Pia.

"Matagal ko nang gustong ihinto ang paninigarilyo pero each time na nag-a-attempt akong gawin 'yon, parati akong nabibigo.Dumaan ang birthday ko, Labor Day, All Saints' Day, Christmas, New Year, 'di pa rin ako naka-quit. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Pia at hiniling niya iyon sa akin. Pinagbigyan ko na, kawawa naman, baka malungkot, e, alam ko naman na it was her way of helping me out," kuwento pa ng popular na komedyante.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi totoong nagpakasal kami ro'n. Ang ganyang bagay ay hindi ikinakahiya kaya hindi dapat itago. Kung sakali, i-a-announce namin 'yon," says Vic about the rumor that he and girlfriend Pia Guanio were secretly married in the US.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results