It's a baby boy for Nene Tamayo!

Apr 4, 2007
The first-ever Pinoy Big Brother winner Nene Tamayo found out through an ultrasound that her firstborn will be a boy. She and husband Anthony Plamia will name the baby Zane Anthony.

Masayang-masaya ang kauna-unahang Pinoy Big Brother (PBB) winner na si Nene Tamayo (Jennivev Santillan Tamayo in real life) dahil sa naging resulta ng ultrasound na isinagawa sa kanya, kung saan natuklasan na lalaki ang kanyang ipinagbubuntis. Si Nene ay six months pregnant sa asawang dance instructor na si Anthony Plamio.

Matatandaang nag-meet ang dalawa sa set ng dance show ng ABS-CBN na U Can Dance kung saan sila ang naging magka-partner. Nagpakasal sila nang lihim noong September 2006 at nitong January 2007, lumabas sila sa The Buzz para aminin ang pagdadalantao ni Kumander Nene.

Wala ngang pagsidlan sa labis na kasiyahan ang PBB Big winner ngayong nalaman niya na lalaki ang magiging panganay nila ng kabiyak.

"I'm on my sixth month now and so far, wala pa rin akong nararanasang symptoms na karaniwang nae-experience ng isang babaeng buntis," masayang pagbabalita ng 25-year-old TV and movie personality.

Ikinatuwa rin ni Nene ang sinabi ng kanyang OB-Gyne na malusog ang sanggol na kanyang ipinagbubuntis at tiniyak din nito na walang problema sa kanyang pagdadalantao.

Continue reading below ↓

Si Nene ay nakatakdang magsilang last week of June at napagkasunduan nila ng kanyang kabiyak na pangalanang Zane Anthony ang kanilang magiging panganay.

Read Next
Read More Stories About
Nene Tamayo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The first-ever Pinoy Big Brother winner Nene Tamayo found out through an ultrasound that her firstborn will be a boy. She and husband Anthony Plamia will name the baby Zane Anthony.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results