Rhian Ramos: Miss Misunderstood?

by Maricris Valdez-Nicasio
Apr 5, 2007
Rhian Ramos (middle) is currently controversial. Last month, Ara Mina (left) claimed Rhian snubbed her at the YES! - PEP party. Recently, Alessandra de Rossi (right) said Rhian shouted at her during the taping of L.U.V. Pow.

Nilinaw ng young actress na si Rhian Ramos ang ilang isyung kinasangkutan niya lately, partikular ang pang-iisnab niya diumano kay Ara Mina sa 7th anniversary ng YES! magazine at grand launch ng PEP, at ang pagka-imbiyerna sa kanya ni Alessandra de Rossi sa taping ng L.U.V. Pow.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa star ng Captain Barbell, The Promise, at ng upcoming Lupin last April 3, sa 17th floor ng GMA-7, sinabi ni Rhian na na-misinterpret lang siya nina Ara at Alex (palayaw ni Alessandra).

ARA MINA. "When we were at the YES! party, si Polo [Ravales] was with Ara two tables away from me. So silang dalawa ang nag-uusap, I was looking around, kung sinu-sino ang nandun.

"Nakita ko yung table ni Polo... I work with both of them in Lupin, e, nakilala ko sila. Tumingin din sa direksiyon ko si Polo, tapos nag-wave siya. Nag-wave din ako, tapos may tinanong siya, something about Lupin, like, ‘Nakapag-taping ka na ba? Anong oras ka natapos sa taping?' or something like that. Sinagot ko siya, then bumalik na ako sa table ko. Then, siya rin, back to his table," panimulang kuwento ni Rhian.

Continue reading below ↓

"May taping or shooting pa rin ako later on kaya nag-goodbye na ako sa table ko, and sa mga kakilala ko. Going out, dumaan din ako sa table nina Polo, pero si Ara ay ini-interview that time. Noong paalis na ako, nagbeso na ako kay Polo, tapos babay. Tiningnan ko nga si Ara, busy siya, ini-interview, kaya hindi na ako sumali sa spotlight niya," paliwanag pa ni Rhian.

Idinagdag pa niyang hindi na siya nag-wave kay Ara dahil hindi naman nakatingin sa kanya ang sexy actress. Nilinaw pa ni Rhian ang balitang sumingit lang siya out of nowhere sa usapan nina Ara at Polo.

"Hindi rin totoo yung sinasabing nag-uusap sila nang lumapit ako," ani Rhian. "Kasi in-interview na kami ni Polo about this and may writer din sa same table ang nag-testify na totoo yung sinasabi ko. So yung mga taong nandun, alam nila na totoo ang story ko."

Continue reading below ↓

ALEX DE ROSSI. Tungkol naman sa insidente kay Alessandra, hindi halos makapaniwala si Rhian sa lumabas na version nito on print dahil napakalayo raw nito sa katotohanan.

Magkasama silang nagte-taping ni Alex para sa L.U.V. Pow, ang bagong TV program ng GMA-7 na pinagbibidahan din nina Valerie Concepcion at Yasmien Kurdi, nang magkaroon ng insidente na ikinagulat ng tisay na young actress.

"Buong araw kaming magkasama ni Alex sa taping, parang birthday namin doon sa scene, e. From first to last, kami ang magkasama kaya kami ang magkabiruan. We were joking each other. Mahilig siyang mag-joke, di ba? Alam mo naman yung sense of humor niya," salaysay ni Rhian.

"Tapos kapag may nagkakamali, nagbibiro siya ng ‘Hoy, umayos ka nga, magbasa ka ng script!' Biro niya talaga ‘yon, siyempre, hindi ako na-hurt, nakitawa ako. Ganoon siya and talagang funny.

"May karapatan siyang mag-ganun kasi hindi siya nagkamali noong day na ‘yon. Pero nung last scene, nagkamali siya, tapos ibinalik ko sa kanya yung joke niya, ginaya ko yung sinabi niya, 'tapos natawa rin siya.

Continue reading below ↓

"Pero later on, parang nakita ko na ibinato niya yung cell phone niya three times. Ako, natahimik, parang nag-isip ako kung anong nangyari. Parang naisip ko na, di ba, nagtatawanan lang kami, 'tapos biglang may lumipad na cell phone? Parang ganoon, e."

Dagdag pa ni Rhian, "Hindi ko naisip na magagalit siya dun. First of all, natawa siya nang nag-joke ako sa kanya. Second, para bang may ka-text siya noong day na ‘yon, e. Parang sabi niya gigimik pa raw siya that day. So naisip namin, pati yung staff, sa ka-text niya yata siya nainis. So tinanong ng staff, ‘Oy, sino ka-text mo, bakit ganyan?' Sabi niya, ‘Wala naman.' Gumanun siya. ‘Yon pala, pag-alis ko, saka lang niya sinabi kung ano, so hindi ko talaga alam.

"The whole day, akala ko steading-steady kami kasi nagbibiruan kami. Sinabi ko pa, ‘Alam mo, Alex, crush na crush kita.' Ginagano'n ko siya. Tsika-tsika, ganon. Pero two days later, may nabasa ako, so dun ko lang nalaman.

Continue reading below ↓

"Hindi ko na kasi siya tinanong nang naghagis siya ng cell phone, parang alam mo ‘yon... Akala ko kasi wala akong kinalaman. So feeling ko, that's her business, ayaw kong makialam, di ba?"



Nag-effort pa raw si Rhian na hingin ang number ni Alex para makapag-usap sila. "Pero nang hinihingi ko ang number niya, hindi siya nag-agree na ibigay," sabi ni Rhian.

"Tapos nag-offer ang side ko na why don't we have dinner para pag-usapan natin. Pero kanina, I think may lumabas na article, doon niya yata sinagot na, ‘Hindi na kailangang mag-dinner, mag-sorry ka lang sa staff.' So ako, okay. I mean, on my part, at least alam ko na nag-offer na ako. Hindi ko naman siya mapipilit na i-accept, at least nag-offer ako, happy na ako.

"Noong first time kong nabasa yung article, I wasn't even sure na totoo, kasi nga the whole day, okay kami ni Alex. So bakit niya [writer] masasabing hindi? Tapos yung staff [ng L.U.V. Pow], parang nagba-bonding din kami kaya naguluhan ako. Yung mga staff, they were very nice and warm. Bakit ko naman aawayin ang mga mababait sa akin, di ba?

Continue reading below ↓

"Tapos, yung isa pang term na naguluhan ako sa article, na lagi ko raw binabanggit yung Tita ko [Ida Henares, head ng GMA Artist Center]. E, never ko pa yung ginagawa. I'm gonna say it frankly, I don't know how else to explain this, I felt na nang binasa ko ‘yon, if you think about it logically, bakit ko ‘yon gagawin? Para na ring sinabi kong wala akong kuwenta, parang sinabi kong wala akong karapatan na pumunta rito sa GMA-7 at maging artista. So bakit sasabihin ko ‘yon?

"At saka from the very start, my Tita has made it clear to me bago pa ako pumasok sa showbiz...Kinausap niya ako, kinausap niya mommy ko, sinabi niya, ‘Rhian, kapag nagtatrabaho tayo, manager mo ako, hindi mo ako Tita. Ikaw talent kita, hindi kita niece.' At saka ako, mas ginusto ko ‘yon kasi ayokong iba yung trato sa akin dahil pamangkin niya ako, that doesn't make sense. At saka ayokong dinadaya ko yung mga kapatid ko [sa GMA Artist Center].

Continue reading below ↓

"Never ever kong ipinagmalaki na pamangkin ako ni Tita Ida, that's why nagtaka ako kung totoo ba talaga yung article. Kasi parang ang daming things na hindi ko ‘yon ginawa, hindi ito nangyari, pero naisulat, e," nagtatakang saad pa ni Rhian.

Pinagalitan ba siya ni Ms. Ida?

"Pinagalitan, hindi," ani Rhian. "Tinanong niya kung ano yung totoo. Kasi ako, magsisinungaling ba ako sa pamilya ko? So sinabi ko yung talagang nangyari, tapos naintindihan niya yung part na parang kung minsan, nagkakaroon ng misunderstanding.

"I guess hindi niya [Alex] siguro naintindihan na joke ‘yon, na ginaya ko yung humor ni Alex. So that's why napikon siya, baka pagod, ganun. So may misunderstanding lang talaga," pagtatapos ni Rhian.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhian Ramos (middle) is currently controversial. Last month, Ara Mina (left) claimed Rhian snubbed her at the YES! - PEP party. Recently, Alessandra de Rossi (right) said Rhian shouted at her during the taping of L.U.V. Pow.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results