Andrea del Rosario and boyfriend spotted in Boracay!

Apr 7, 2007
Andrea and her French boyfriend are already talking about marriage.

Agaw-pansin ang magnobyong Andrea del Rosario at ang French boyfriend nitong si Eric Noreil. Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa habang kumakain ng tanghalian sa isang mamahaling restaurant sa white sand ng Boracay.

Blooming ang Viva Hotbabe kaya agad namin natanong kung ang pagiging inspirado nito at in-love ang lihim ng kanyang kagandahan.

Aniya, "I just use a lot of skin protection and drink a lot of water. I use Hawaiian Tropic to protect my skin. And of course, my lovelife, it helps a lot!"

Ayon sa dalawa, ilang beses na rin silang nagbakasyon sa paraisong isla ng Boracay. Hindi pa man sila magkakilala ay nagagawi na rin si Eric sa pomosong beach.

Anim na buwan na ang relasyon ng dalawa at tuwing nandidito sila ay palaging tumutuloy sila sa Nami Beach. Ayon kay Eric, sila lang dalawa ang nasa lugar na 'yon at para sa kaniya ay sobrang romatic na lugar ito.

Continue reading below ↓

Pagdating sa kanilang relasyon ay di nila minamadali ang pagpapakasal. Ayon na rin sa kanila, they're taking their time. Parelax-relax lang sila at nage-enjoy sa kanilang togetherness. Inamin rin naman nila na napag-usapan na din nila ang kasal. Natanong namin na since mahilig sila sa beach ay kung dito na rin ba gaganapin ang wedding.

Sagot ng sexy actress, "We just found out two days ago that it's a bad omen to have a wedding on this island. So I don't know."

Napatawa ito habang nagsasalita kaya maaaring nagbibiro lamang ito, ngunit pinatunayan naman ito ni Eric.

"We were advised to change sched [schedule] so I guess, it's gonna be somewhere by the sea. But probably more in Cebu area than here," ani Eric.

Ayon kay Andrea, isang common friend nila mula sa Hong Kong ang nagsabing huwag magpakasal sa Boracay dahil hindi maganda ang idinudulot nito sa ikinakasal dito. Kinontra naman ito ng aktres dahil inisip nito na nataon lamang na mayroong mangilan-ngilan na naghihiwalay doon sa mga kilala niyang nagpakasal sa nasabing isla.

Continue reading below ↓

Ayon pa rito, siguradong isang pampamilyang kasalan ang gagawin nila ni Eric.

Dagdag ni Eric, "For sure it will be Philippine [Filipino]... By the sea, but we still have to find the location."

Natanong din namin kung ilang kids ang gusto nilang plinaplano ng dalawa. Natawa na lang sila sa pagsabing as many as they can pero sisiguraduhing kailangan nilang makaisa.

Kung sila'y magkakatuluyan, pipiliin ba nilang manirahan sa ibang bansa pagkatapos ng kasal o mananatili dito sa bansa.

Ani Andrea, "Definitely, here in the Philippines."

Panghuli ni Eric, "About me, I married a Filipina because I wanted to become a Filipino."
Read Next
Read More Stories About
Andrea del Rosario
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea and her French boyfriend are already talking about marriage.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results