Ara Mina reacts to Eric Fructuoso's claim that they "made love"

Apr 11, 2007
"Dyusko, balikan pa ba natin yan? Kopong-kopong days pa 'yan!" says Ara Mina about her relationship with former Guwaping Eric Fructuoso.

Pagkatapos na pagkatapos ng guesting ng former Guwaping na si Eric Fructuoso sa "40 Forbidden Questions" segment sa radio show ni Mo Twister kaninang umaga, April 11, tinawagan agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actress na si Ara to comment on Eric's revelation that they "made love" noong mag-on pa sila.

"Talaga, sinabi ni Eric yun?!" gulat na sagot ni Ara sa amin.

Mariin itong itinanggi ni Ara dahil MU, as in mutual understanding lang, ang relationship nila noon dahil napakabata pa nila that time.

Kuwento ni Ara, circa 1993-1994 pa sila magkakilala ni Eric, sa That's Entertainment. Fifteen years old pa lang si Ara noon nang nanligaw sa kanya ang dating Guwapings member.

Noong anniversary ng That's noong 1994, natatandaan ni Ara na nagsuntukan pa raw sina Eric and another member of the show, si Marlo Silvero. Parehong nanliligaw noon ang dalawa kay Ara and she admitted she favored Eric kung kaya't nangyari ang suntukan.

Continue reading below ↓

Inamin din ni Ara na nag-date sila noon ni Eric at umabot sa MU ang relasyon nila. Super afraid pa raw si Ara sa mga ganoong bagay that time. Una, she's too young then, at ikalawa, umuuwi siya noon sa kanyang ina.

Baka naman daw hindi siya yun, pag-iisip ni Ara. Si Eric na rin kasi ang nagsabi that some of the girls, hindi niya natatandaan kung may nangyari sa kanila o wala.

One of the earlier questions asked sa "Forbidden Questions" was if he had slept with anyone famous, Eric answered more than his fingers. Nang ipina-enumerate na sa kanya, ang mga isinagot ni Eric ay si Ara, along with Abby Viduya (Priscilla Almeda na ngayon), Joyce Jimenez, at Aubrey Miles. Nagpatiuna pa nga si Eric na hindi raw dapat "slept with" kundi "making love" dahil may respeto siya sa mga babaeng nakasiping niya.

Ara's name was also mentioned by Eric in another question: Kung sino ang better kisser sa dalawang ex-girlfriends ni Eric, si Ara o si Toni Gonzaga. Eric answered Ara.

"Dyusko, balikan pa ba natin yan? Kopong-kopong days pa 'yan!" pagpapaalala ni Ara, who is in between amazement and exasperation na magkakaroon na naman ng panibagong issue sa kanya after her affair with Polo Ravales.

Ara is busy right now campaigning for her father, Chuck Mathay, who is running for congressman sa Quezon City. She is also part of the new Richard Gutierrez action-adventure series Lupin sa GMA-7. Tuloy-tuloy pa rin siya as part of the long-running gag show of the Kapuso network, ang Bubble Gang.

Eric, on the other hand, was last seen sa Panday series ni Jericho Rosales sa ABS-CBN.

Sa kanyang pagge-guest sa controversial radio program ni DJ Mo, Eric received the first honorary score of 47—as given one point each for every inch of his "wang" (private part) na ipinakita niya sa booth as the final dare/question. Earlier, binanggit ni Eric na more than seven ang size ng "wang" niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dyusko, balikan pa ba natin yan? Kopong-kopong days pa 'yan!" says Ara Mina about her relationship with former Guwaping Eric Fructuoso.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results