Raymart Santiago happy for Claudine and Gretchen

by Dinno Erece
Apr 11, 2007
Action star-comedian Raymart Santiago (pictured) will soon become a father. His wife, Claudine Barretto is now six months pregnant with their first child, a baby boy. They also have an adopted daughter, Sabina.

From being one of the most promising junior action stars then, kuntento na si Raymart sa TV sitcoms. Ipinagmamalaki niya na kung hindi dahil sa sitcom, hindi raw siya nakapagpatayo ng bahay. Noong gumagawa siya ng mga action movies, halos wala naman daw siyang naipon noon kung tutuusin.

That is why excited si Raymart na kahit nagtapos ang kanilang Lagot Ka Isusumbong Kita nina Richard Gomez, Joey Marquez, and Benjie Paras, in pa rin sila ni Joey sa pamalit nito na Who's Your Daddy Now? na magsisimula this Monday, April 16, pagkatapos ng GMA Telebabad block.

Isa sa kanila ni Joey ang tunay na ama ni Alynna Asistio sa sitcom at dito tatakbo ang kuwento. Si Alynna ay anak ni Nadia Montenegro sa dating mayor ng Caloocan City na si Boy Asistio.

Pinapili si Raymart kung saan siya mas kumportable, ang pagsali sa sitcom o ang pagiging action star. “Mas komportable ako sa comedy kasi nine years na ako dito sa GMA na ginagawa itong sitcom,” aniya.

Continue reading below ↓

Sa tunay na buhay, malapit na ring maging ama si Raymart dahil six months on the family way na ang kaniyang asawang si Claudine.

“Rodrigo ang first name kasi sabi ko, gusto ko nagi-i-start sa letter R. Lahat kasi kami letter R. Noong una, gusto ko Arthur saka Ariel,” biro ni Raymart sa press con ng Who’s Your Daddy Now? kanina sa Annabel’s Restaurant sa Timog Avenue.

May second name na raw ang magiging anak nila, pero ayaw pang ipasabi ni Claudine so quiet din si Raymart, pati na rin ang planned nickname ng first child nila.

Nang tanungin kung gaano katagal bago bumalik sa showbiz si Claudine after isilang ang kanilang anak, sagot ni Raymart: “Kung kelan siya ready. Kung kelan kaya na ng katawan niya.”

Dito napag-usapan ang balitang pagkakaayos nina Claudine and Gretchen. Masaya si Raymart sa reconciliation na naganap between his wife and sister-in-law.

Napag-usapan daw nila ito ni Claudine at nagulat daw talaga ang asawa niya nang makita ang Ate Gretchen niya sa S & R sa The Fort. Sabi ni Raymart, very happy siya for his wife and sister-in-law dahil ito naman ang dapat. Ganoon daw talaga ang magkakapatid na kung may hindi pagkakaunawaan ay nagkaaayos pa rin.

“Ang pagkaka-alam ko lang, nagkita sila sa isang grocery…nagkabatian. Maganda at kahit papaano nakapag-usap sila matapos ang lahat,” kuwento ng asawa ni Claudine.

Dagdag pa niya, “Wala naman kaming naging [away] ni Gretchen. Pero kasi pag nakikita mong nasasaktan yung asawa mo, siyempre parang umiinit din yung ulo ko. Nasasaktan din ako.”

Sana raw ay magtuloy-tuloy na ito.

When asked kung kukunin na nilang ninang si Gretchen sa first child nila, ani Raymart: “Hindi natin masabi, bakit hindi?”

Nang tanungin kung may napili na silang ninong at ninang, wala pa raw silang desisyon tungkol dito. Aniya, “Nasa stage pa lang kami ng pagpili ng gamit ng bata.”

Incidentally, magkasabay na idinaos ang press con para sa respective shows nina Raymart at Claudine; si Raymart with Who's Your Daddy Now? sa Annabel's restaurant at si Claudine with Walang Kapalit sa ABS-CBN.

With additional report from Jocelyn Dimaculangan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Action star-comedian Raymart Santiago (pictured) will soon become a father. His wife, Claudine Barretto is now six months pregnant with their first child, a baby boy. They also have an adopted daughter, Sabina.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results