Dennis Padilla sheds tears of joy because of Gretchen-Claudine reconciliation

by Nora Calderon
Apr 11, 2007
Dennis Padilla (center) couldn't hide his happiness now that her sisters-in-law Claudine and Gretchen Barretto have reconciled. Dennis is hoping that his wife, Marjorie Barretto (not pictured), will also end her rift with Gretchen.

Naging touching ang latter part ng press con ng Walang Kapalit nang tanungin ang female lead ng nasabing drama series na si Claudine Barretto tungkol sa pagbabati nila ng kanyang kapatid na si Gretchen Barretto. Naganap ang press con kaninang tangahali, April 11, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

Tulad ng nasulat na dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Claudine sa pagbabati nila ni Gretchen, maliban sa inamin niyang ang kanyang ate ang unang nakakita sa kanya sa S&R Supermarket sa The Fort, Taguig City.

Inilabas na rin ng PEP ang text message na ipinadala ni Gretchen sa editor-in-chief ng PEP at YES! magazine na si Jo-Ann Maglipon at sa amin. Ito ang nilalaman ng text message ni Greta: "Yes it's true that all is well. Claud will always be my baby sister, thru the not so good and good times. I will remember only her good and loving ways. I shall put behind me the past. That goes for Marjorie as well. Life's too short to put to waste."

Continue reading below ↓

Malapit sa table namin si Dennis Padilla, ang asawa ni Marjorie Barretto, na isa pang kapatid ni Gretchen. Nasa press con si Dennis dahil sinamahan niya ang anak nila ni Marjorie na si Julia Padilla, na gumaganap na batang Claudine sa Walang Kapalit.

Hindi nakayanan ni Dennis ang kaligayahan na naramdaman niya sa mga nangyayari at napaiyak na siya sa harap ng mga kausap niyang entertainment press. Biro namin kay Dennis, lalo namin siyang paiiyakin pagkatapos naming ipabasa sa kanya ang text message ni Gretchen sa amin ni Jo-ann. Hindi nga kami nagkamali dahil napaiyak siya nang mabasa ang text ni Gretchen.

Hindi raw alam ni Dennis kung babatiin na rin ni Gretchen ang wife niyang si Marjorie, na tumatakbo bilang konsehal sa Caloocan City. Matagal na raw siyang hindi umiiyak at hindi siya nahihiyang makita siya sa TV dahil tears of joy raw ‘yon.

Nilapitan din namin si Claudine at sinabi namin na umiyak si Dennis nang mabasa nito ang text message ni Gretchen, na ipinabasa na rin namin sa kanya. Nakangiti si Claudine pero teary-eyed siya.

Continue reading below ↓

"Bago nga ako pumunta dito sa press con, tinawagan ko muna si Ate [Gretchen]," kuwento ni Claudine. Tinanong ko siya kung sasagutin ko ang mga tanong tungkol sa pagbabati namin. Ayokong sumagot kung hindi papayag si Ate.

"Sinabi rin nga niya sa akin na kayo lang dalawa ni Tita Jo-Ann ang pinadalhan niya ng text message na 'yan. Kaya I'm very thankful and happy dahil alam kong marami kayong naghihintay na muli kaming magkabati ni Ate," nakangiting pahayag pa ni Claudine.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla (center) couldn't hide his happiness now that her sisters-in-law Claudine and Gretchen Barretto have reconciled. Dennis is hoping that his wife, Marjorie Barretto (not pictured), will also end her rift with Gretchen.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results