Sunshine Dizon and Victor Neri now an item!

by Nitz Miralles
Apr 12, 2007
Sunshine Dizon and Victor Neri became very close while on the set of the recently concluded GMA-7 drama series Bakekang. Soon after the show ended, the two reportedly became an item.

Kinumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang reliable source na officially on na sina Sunshine Dizon at Victor Neri. Ayon sa source, wala pa raw one month ang relasyon ng dalawa na nagsimula sa katatapos lang na drama series na Bakekang.

Sinabi pa ng aming source na hindi naman daw itinatago nina Sunshine at Victor ang kanilang relasyon, pero hindi rin nila ipinagsisigawan. What you see is what you get daw ang drama ng dalawa, basta makikita na lang silang magka-holding hands, sweet, at halos hindi naghihiwalay.



Na-develop ang relasyon nina Sunshine at Victor sa taping ng teledrama ng GMA-7 na Bakekang, kaya kahit bago pa lang ay may kaseryosohan na. Hindi sila maaakusahang gumigimik dahil patapos na ang Bakekang nang manligaw si Victor at hindi na umeere ang show nang maging item sila ni Sunshine. Napansin na lang ng staff na hindi humihiwalay sa young actress si Victor at biglang nagsipag dumalaw sa bahay nito.

Continue reading below ↓



The same source ang nagtsika sa PEP na may plano na ang dalawa kung saan nila gustong magtapos ang kanilang romansa, pero hindi sila nagmamadali.

Kinausap ni Victor ang mother ni Sunshine na si Dorothy Laforteza para hindi ito magulat sa kanilang magiging desisyon kung sakali. Napayapa naman si Dorothy sa dialogue ng aktor na, "we're not rushing things."



Tanggap ni Sunshine na may anak sa isang non-showbiz girl si Victor at may mga nagpapaalala sa kanyang babaero ang aktor, pero hindi raw nila ito problema. Ang nagiging conflict lang nila minsan ay ang semi-long distance status ng kanilang relasyon.

Kapag wala kasing showbiz commitment, sa Hong Kong nag-i-stay si Victor upang asikasuhin kanilang family business doon. Pero napapadalas diumano ang uwi ng aktor sa Maynila mula nang manligaw at maging sila ni Sunshine.



Nakaamoy ang PEP ng kakaiba kina Sunshine at Victor sa concert ng cast ng Bakekang para sa kanilang viewers. Nakababad ang aktor sa dressing room ng young actress at kahit may tao sa loob, titig na titig pa rin siya sa dalaga.

Ayaw na ring pag-usapan ni Victor ang ex-girlfriend niya na si Michelle Madrigal nang subukang tanungin ng PEP.



"Matagal na yun, ‘wag na nating pag-usapan," pakiusap nito.



Thirty years old na si Victor at 23 years old naman si Sunshine. Sana lang ay hindi nila maging problema ang age gap dahil, obviously, naging major factor sa break-up nina Victor at Michelle ang 13 years na age gap nila. Michelle was only 17 years old nang maging sila ni Victor at ilang buwan after niyang mag-debut ay nag-break na sila.



Nagkatuluyan ang characters nina Sunshine at Victor sa Bakekang. Ikinasal sina Bakekang (Sunshine) at Herman (Victor) at nagkaroon pa ng kambal. Abangan natin kung sa kasal din magtatapos ang kanilang real-life romance.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon and Victor Neri became very close while on the set of the recently concluded GMA-7 drama series Bakekang. Soon after the show ended, the two reportedly became an item.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results