Isabel Oli keeps mum about reason of break-up with Paolo Contis

Apr 12, 2007
Paolo Contis was absent during the shooting of GMA-7's new station ID last April 11. Insiders say he is avoiding ex-girlfriend Isabel Oli. The latter refused to talk about their break-up.


Hindi dumating si Paolo Contis sa station ID shoot ng GMA-7 noong April 11, sa GMA Network complex, pero ang kanyang ex-girlfriend na si Isabel Oli ay nandun.

Mandated ang lahat ng mga talents ng GMA-7 na mag-participate sa shoot na ito. Katunayan, itinigil ang lahat ng mga tapings kahapon para lang makadalo ang lahat ng mga artista ng Kapuso Network.

Ang dahilan daw ng hindi pagsipot ni Paolo sa station ID shoot ay na-delay ang flight nito pabalik ng Pilipinas galing Middle East, kung saan siya naglaro ng basketball kasama ang iba pang Pinoy celebrities. Pero may kumalat na tsismis na iniiwasan daw talaga ng young actor na makita ang dating kasintahan.

Mas lalong tumindi ang speculation tungkol sa totoong rason sa likod ng paghihiwalay ng dalawa nang tumanggi si Isabel na magpa-interview sa TV. Itinuturo ni Isabel ang GMA Artist Center na siya umanong nag-advise sa kanya na huwag magpa-interview tungkol sa break-up nila ni Paolo.

Continue reading below ↓

Nakapagtataka lang na kumukontra ito sa mga pahayag ni Isabel na hindi sila nagkaroon ng problema ni Paolo kaya sila nag-break. Kung wala ngang naging problema, bakit namamagitan ang Artist Center at pinipigilan si Isabel na magsalita?

Kung positibo naman ang mga sasabihin ni Isabel, walang dapat ikatakot ang Artist Center sa magiging feedback ng mga sasabihin ng young actress tungkol sa kanilang break-up.

Nangako naman si Isabel na kapag binigyan na siya ng go signal ng Artist Center ay magpapa-interview na siya sa entertainment press.

Read Next
Read More Stories About
Paolo Contis, Isabel Oli
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis was absent during the shooting of GMA-7's new station ID last April 11. Insiders say he is avoiding ex-girlfriend Isabel Oli. The latter refused to talk about their break-up.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results