Court orders a verbal warrant of arrest for Nino Muhlach

by Rose C. Dionson
Apr 15, 2007
Former child wonder Niño Muhlach failed to arrive on time for the hearing of his drug case last April 13. Because of this, the Quezon City Court ordered a verbal warrant of arrest for the actor.


Posibleng bumalik sa kulungan ang dating child wonder na si Niño Muhlach dahil sa hindi nito pagsipot sa itinakdang oras ng hearing para sa kinakaharap niyang drug charges noong nakaraang Biyernes, April 13.

Ayon sa kawani ng Quezon City Court, hindi nagpakita ang aktor sa itinakdang oras na 9 a.m. bagama't dalawang beses nila itong tinawagan. Dahil dito, nag-isyu si Quezon City Regional Trial Court Branch 79 Judge Rafael Lagos ng verbal order na maglabas ng arrest warrant para sa aktor.

Makaraan ang isang oras, dumating din naman si Niño, pero huli na dahil nakaalis na ang judge.

"The last case was already called, the court already adjourned [when he came]. So the order for the issuance of the warrant against him stands. It could not be heard anymore for that day," ayon sa kawani ng nasabing korte.

At press time, hinihintay na lang na mag-isyu ang korte ng actual warrant of arrest laban kay Niño. Kaugnay nito, nag-file na ang dating child actor ng motion para hilingin na iurong ng korte ang desisyon na ipa-aresto siya.

Continue reading below ↓

Matatandaan na kinasuhan si Niño ng possession of illegal drugs matapos siyang mahuli sa akto na kinukuha mula sa isang babae ang hinihinalang shabu sa isang shopping mall in Quezon City noong nakaraang buwan. Matapos maaresto, natagpuan sa aktor ang 1.9 gramo ng nasabing illegal drugs, dahilan para makulong ng tatlong araw si Niño sa Camp Bagong Diwa. Pansamantala siyang pinalaya matapos makapag-piyansa ng P200,000.

Read Next
Read More Stories About
Nino Muhlach
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child wonder Niño Muhlach failed to arrive on time for the hearing of his drug case last April 13. Because of this, the Quezon City Court ordered a verbal warrant of arrest for the actor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results