Jake Cuenca and Roxanne Guinoo: More than friends, but not yet lovers

Apr 20, 2007
"We don't want to rush things. Mahirap na baka mamaya magkamali. Okay na yung ganun," says Roxanne Guinoo about her relationship with Jake Cuenca.

Kinumpirma pareho nina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca ang magandang samahan na namamagitan sa kanila ngayon nang makorner sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Love Spell Presents "Sweet Sixty" ng ABS-CBN. Inamin din ng dalawa ang nasulat dito sa PEP na sinundo ni Jake si Roxanne sa taping ng At Home Ka Dito pati na ang pagsunod ni Jake sa kotse ni Roxanne papunta sa isang birthday party sa Cavite.



"Dumaan siya," sabi agad ni Roxanne.



"Dumaan ako, oo. Tapos na yung taping. Choice ko naman yun na daanan siya," depensa naman ni Jake.

"Yung sa Cavite naman, dumaan lang ako sa party and after that, nagsimba kaming dalawa. Tapos kaniya-kaniya kaming sakay sa car namin," sabi ni Roxanne.



Na-sight din sila sa Greenhills recently.



"Ayun, nag-dinner naman kami. Dalawa lang kami," pag-amin ni Roxanne.



Ano yung pinaka-sweet na ginawa ni Jake sa kaniya?



"Marami. Like? Ikaw!" sabi ni Roxanne kay Jake.

Continue reading below ↓



"Magkaibigan lang naman kami," sagot ni Jake.



"Mababaw lang ako na tao. Konting ano lang naman, na-apreciate ko na yun lahat kahit hindi obvious. Like yung naghintay siya sa taping. Hindi ko alam na nandun siya. Sarap ng feeling, di ba? Ang haba ng hair!" natatawang sabi ni Roxanne.

"Tapos yun, nagkaroon lang ng time na nagkayayaan lang. Usually, dito lang naman kami sa baba ng ABS-CBN, e, sa Starbucks. Kasi busy din, e, lalo na si Jake. Pero minsan nakakalabas naman kami," kuwento pa ng young actress.



Sinabi ng dalawa na una silang nag-meet sa ASAP '07 at dito rin sila nagkapalitan ng cell phone numbers. But before that, nagku-krus lang daw ang landas nila sa recording studio, sa showbiz party, hanggang sa magkaroon sila ng episode para sa Your Song.



Kumusta ang pagsasama nila noon sa Your Song?



"Ayos lang. Okay lang, I find him cute," sabi ni Roxanne.

Continue reading below ↓



"Sa akin naman, saan ka pa, di ba?" sagot ni Jake. "Maganda talaga si Roxanne. Wala akong masasabi."



Ano ang nagustuhan ni Jake kay Roxanne?



"Mabait siya, e," sagot agad ng binata. "Saka yung 'pag nag-uusap kami ni Roxanne, okay yung conversation. Tuluy-tuloy lang yung usapan. I mean, she's really cool to talk to. Bihira yun, e."



"Okey ‘yan. Mabait si Jake. Malalim na tao," sabi naman ni Roxanne.



Ano na ba talaga ang relasyon nila?



"Magkaibigan lang," nakangiting sabi ni Jake.

Umayon naman agad si Roxanne. Aniya, "Hanggang doon muna. We don't want to rush things. Mahirap na baka mamaya magkamali. Okay na yung ganun. Nagkikita naman kami madalas. Magkasama kami sa trabaho ngayon, sa Love Spell. Hanggang doon lang."



Ano yung magagandang qualities ni Jake ang gusto ni Roxanne?



"Mabait si Jake and yun nga, gentleman," maikling sagot ng dalaga.



Pareho na ba ang nararamdaman ni Roxanne for Jake sa level ng naramdaman niya noon sa ex-boyfriend niyang si Joross Gamboa?

Continue reading below ↓



"Magkaiba lahat," aniya. "So kung anuman yun, ako lang naman ang nakakalaam nun. Pero okay naman. Si Joross, wala naman din akong pinagsisihan sa amin. Tapos na yun and okay naman, like kami ni Jake, okay. We go out, ‘ayun. Hanggang doon muna."



Pwede na bang i-confirm ni Jake kung nanliligaw na siya kay Roxanne?



"Hindi," mabilis niyang tugon. "Kasi ako, katulad ng sinasabi ko naman dati, hindi ako naniniwala sa panliligaw talaga, kasi you put your best foot forward. Para sa akin, mas okay talaga na magsimula muna bilang magkaibigan. Tapos it will evolve."



"You don't know what's gonna happen next. Hintayin na lang natin kung anong mangyayari," aniya pa.



Totoo ba na sinundo ni Jake si Roxanne sa last taping ng sexy young actress sa At Home Ka Dito kung saan kasama sa show ang ex ni Roxanne na si Joross?



"May mga ibinigay ako kay Roxanne nung nag-birthday siya. So may ibinigay akong regalo," sabi ni Jake.

Continue reading below ↓

Ano yung pinaka-espesyal na regalo ni Jake kay Roxanne?



"Lahat naman ng ibinigay niya," sagot ng dalaga. Sobrang nakatago naman lahat yun. Marunong akong mag-ingat ng mga ibinibigay sa akin."



"Ako naman, oo naman po, iniingatan ko rin," singit ni Jake. "Pang-mababaw lang po. I mean, kasi okay din naman sa aming dalawa. Hindi naman kami nai-impress sa mga mamahaling gamit. Importante lang sa amin yung may communication kami."



Paano ide-describe ni Jake ang nararamdaman niya for Roxanne?



"Ako, masayang-masaya naman po kasi feeling ko, nakahanap din ako ng totoong kaibigan. Nakahanap ako ng taong... Kasi bihira ka makakita ng totoong tao talaga na makakausap mo nang mabuti, na maiintindihan ka. Nakita ko yun sa kanya. Hindi ko na nga mai-describe, e. Haping-hapi naman ako ‘pag kasama siya," paliwanag ni Jake bilang pangwakas.

Read Next
Read More Stories About
Jake Cuenca, Joross Gamboa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We don't want to rush things. Mahirap na baka mamaya magkamali. Okay na yung ganun," says Roxanne Guinoo about her relationship with Jake Cuenca.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results