Cristy on S-Files: "Hindi kami maramot, nagbibigay talaga kami ng tira."

by Candice Lim
Apr 20, 2007
"Naniniwala kami na pana-panahon din, di ba? Maaaring sa isang panahon, marami talagang nanood sa kanila. Minsan naman sa amin. Tsaka hindi kami maramot, nagbibigay talaga kami ng tira para sa aming mga kalaban," says Cristy Fermin about their competition.

GMA-7's S-Files, 11.7%. ABS-CBN's The Buzz, 9.3%. These are the reported ratings of the two competing entertainment shows last Sunday, April 15.

"Mayroong nagsasabi na kaya lang sila nanalo dahil nanggaling sila sa isang matagumpay na coverage ng Pacquiao. Napakaliit noon [ratings] kung tutuusin. Ang isa sigurong tiyempo ay hindi maaaring matawag na tagumpay sa kabuuan. Dalawampu sa isa, panalo ba ‘yon?" asked The Buzz co-host Cristy Fermin.

GMA-7 aired Manny Pacquiao's bout with Jorge Solis last Sunday, April 15, which the Filipino boxer won by knockout in the 8th round. S-Files followed the boxing coverage.

The Buzz reporter Jobert Sucaldito seconded, "Di ba, kung ang pre-programming mo is a Pacquiao-Solis fight, ang liit no'n. Sila 11, kami 9 [sa ratings]. Dapat sila 38. Maliit ‘yon. Dapat mahiya sila."

He continued, "What does this make them? A better show? Iyan ang aking tanong. Halimbawa tumaas ang ratings nila ngayon, does this mean they're better than us?

Continue reading below ↓

"Modesty aside, if you're the audience, you're a viewer, check nga who's [sic] the better show. Saan may mas napupulot ka? Sa kanila ba o sa amin? Kasi kung sa kanila ka mas may napupulot, good! At the end of the day, it doesn't mean that if you are 43 in ratings and we are 9, you're the better show. No!"

Cristy said, "Kung kami ang tatanungin, hindi pa rin naman kami naniniwala sa ganoon kasi kami hindi kami nagdu-dwell sa numero. Tinitingnan namin 'yong kapag nasaang lugar, kami ang pinag-uusapan, ‘yong The Buzz ang pini-pick-up ng kapwa nating manunulat na source ng balita ay The Buzz... Ang kakambal kasi ng The Buzz, kredibilidad.

"Hindi ako talaga figure-conscious. Mas gusto ko 'yong boses ng masa. Iyong kapag pumupunta kami sa isang lugar, alam nila ang kuwento ng nakaraang The Buzz at alam nila ang The Buzz noong dalawang linggo pa ang nakakaraan.

Continue reading below ↓

"Mas naniniwala ako sa aktuwal kong naririnig. Hindi ako naniniwala gaano sa numero. Kung mayroon mang ratings, formality lang iyon. Pormalidad lamang. Pero mas naniniwala ako sa kilos ng manonood kapag nakikita ko sila."

Cristy managed a joke, "Tsaka hindi kami maramot, nagbibigay talaga kami ng tira para sa aming mga kalaban!"

SHOWBIZ CENTRAL. The rival station is also coming up with a new entertainment talk show, Showbiz Central, to compete with The Buzz. Some of its hosts are John "Sweet" Lapus—Jobert's known foe, and Mo Twister—Cristy's least favorite person.

Cristy and Jobert say they are not threatened by the new competition.

"Hay naku, hindi! Kahit sa panaginip, hindi," exclaimed Cristy. "Mahirap magmalaki ng isang programang hindi pa natin pinatitikim sa tao kung anong 'itsura. Katulad nito, humanda kayo sa ganitong programa nila... Sa amin, hindi. Never namin pinag-usapan ito. Never na naging worry ‘yan para sa amin. Para sa amin, ang kalaban ng The Buzz ay The Buzz."

Continue reading below ↓

Jobert stressed, "Kung gusto nila maglabas ng Showbiz Central nila, don't use us. That's indirectly saying na ‘Hey, ipapa-compare mo sa amin...' My God! We're not here for competition. We compete with ourselves, with our last show not with any show...

"Kasi sana ang isipin na lang natin as TV shows, as we cater to our audience, let's do good our shows. Let's not talk about the other show. Let's not compare our show with them."

Cristy says she does not see Kris Aquino's absence from The Buzz as an advantage for newbie Showbiz Central to gain equal footing.

"E, di good luck sa kanila! Pero napatunayan na din siguro ng The Buzz na kahit sino sa aming lahat ang mawala sa programa, nakatayo ang The Buzz. Hindi ito 'yong nakatutok lamang sa isang host. Ito ay tagumpay ng pagtutulong-tulong naming lahat. Okay lang. E, di good luck kung talagang magiging tagumpay," ended Cristy.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naniniwala kami na pana-panahon din, di ba? Maaaring sa isang panahon, marami talagang nanood sa kanila. Minsan naman sa amin. Tsaka hindi kami maramot, nagbibigay talaga kami ng tira para sa aming mga kalaban," says Cristy Fermin about their competition.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results