Katrina Halili answers issues about Cristine Reyes and Ehra Madrigal

Apr 20, 2007
Young sexy actress Katrina Halili (center) is again in the middle of controversies. First is the issue that she is competing with her Lupin co-star Ehra Madrigal (right), and the other one is her rift with co-StarStruck graduate Cristine Reyes (left).


Dalawang isyu ang nilinaw ni Katrina Halili nang nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, April 15, sa taping ng Magpakailanman sa isang gay bar sa bandang Timog, Quezon City.

Una ay ang ukol sa umano'y pagpapatalbugan nila sa pagpapa-sexy ng co-star niyang si Ehra Madrigal sa bago nilang TV series na Lupin na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Isa pang isyu ay ang tampo sa kaniya ni Cristine Reyes dahil sa pahayag ni Katrina na gaya-gaya sa sakit niya ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

"Hindi naman po kami nagpapatalbugan ni Ehra sa pagpapa-sexy," diin ni Katrina. "Never naman po akong nakipagpatalbugan e. Doon nga sa pilot episode ng Lupin, naka-pandong ako. Kung gusto kong makipagtalbugan, e, di nag-tangga at nag-plunging ako.

"Magkaibigan kami ni Ehra, para kaming magkapatid. Actually, nag-bonding kami sa Boracay noon, e. Kaya lang, yung role namin sa Lupin ay parang hustlers na sidekick ni Richard, na sexy ang mga outfits."

Continue reading below ↓

Cristine Reyes. Nilinaw rin ni Katrina ang tungkol sa sinabi niya kay Cristine sa Startalk two Sundays ago na naging ugat ng tampo sa kaniya ng younger sister ni Ara.

"Mayroon nga po akong sinabi na gaya-gaya siya nang nag-guest ako sa Startalk," pag-amin ni Katrina. "Pinapanood kasi nila sa akin yung interview ni Cristine at may sakit nga raw siyang tonsilitis. So sabi ni Tito Joey [de Leon, Startalk co-host], ‘O Katrina, ano'ng masasabi mo riyan?' Sabi ko naman, ‘Naku, hindi ko po alam diyan sa babaeng ‘yan. Gaya-gaya lang siguro ‘yan, lagi na lang akong ginagaya niyan, e.'

"Doon ko lang nalaman na may sakit siya [Cristine]. Magkasama nga po dapat kaming magbabakasyon sa Boracay noong nagdaang Holy Week, e. Ako bale ang nag-arrange ng lahat, pati yung titirhan namin at ng kaklase niya. Pero nag-text siyang hindi pinayagan ng Ate [Ara] niya bago dumating yung araw ng alis namin.

"Kaya nagtaka ako nang in-interview ako ng S-Files na kaya hindi siya sumama ay dahil hindi siya pinayagan ng kanyang Ate dahil na-hurt daw siya sa sinabi ko na gaya-gaya siya. Kaya nag-text ako sa kaniya, sabi ko, ‘NPG, totoo bang na-offend ka sa sinabi ko? Napanood mo ba talaga yung Startalk interview ko?' Pero hindi siya nag-reply, e. Yung NPG, Nail Polish Girls ang meaning nun. NPG kasi kami before, three years ago 'yon," nakatawang saad pa ng magandang young sexy actress.



Patuloy niya, "Kasi may issue kami before ni Cristine na gaya-gaya, hindi ba? Close kasi kami ni Cristine dati. Lumalabas pa kami, pinaka-close ako sa kaniya. Parang kapatid ang turing ko sa kaniya. Natutuwa ako sa kaniya, dahil parang masarap siyang alagaan.

"Pero one time, bigla na lang na hindi niya ako pinapansin. Yun pala may isyu na ginagaya ko raw siya, like yung pagpo-pony tail ng buhok, pananamit... Pero hindi ko alam kung yung isyu na ‘yon ang talagang ikinagalit niya.

Continue reading below ↓

"Pero, hello, ilang taon na siya, ilang taon na ako? Fifteen pa lang siya noon, 18 o 19 yata ako. So, bakit ko naman siya gagayahin? Parang kapatid nga ang turing ko sa kaniya, hindi lang parang barkada, e. Parang ang sarap kasi niyang bantayan at alagaan," paliwanag pa niya.

"Alam n'yo ba kung paano kami nagkabati? May time na lahat ng StarStruck ay nag-guest sa SOP. Habang sumasayaw kami sa stage, ume-ere talaga kami sa TV, tinanong ko sa kaniya kung bakit hindi niya ako pinapansin. ‘Ano ang isyu, bakit ba ganito na magka-away tayo?' Ayaw niyang sabihin ang dahilan. Sabi niya, ‘Puwede ba mamaya na tayo mag-usap?' Sabi ko naman, ‘Hindi puwede, ngayon tayo mag-usap.' So, sobrang natawa na lang siya sa sinabi ko at naging okay na kami.

"Pero hindi ko talaga naintindihan ang rason ng tampo niya. Sobrang bata pa kasi talaga ni Cristine, e. Siguro feeling niya that time, nakikipag-compete ako sa kaniya. Pero wala naman siyang sinabi o ipinaliwanag sa akin e. Pero ngayon, 18 na si Cristine. Kaya sana ay huwag nang maging malabo ang utak niya. Dapat ay maging matured na siya," sabi pa ni Katrina.

Continue reading below ↓

Magso-sorry ba siya kay Cristine at itinuturing ba niyang kaibigan pa rin ang dalaga?

Aniya, "Friend pa rin naman, pero hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa isang tao na ayaw sa akin. Mahirap kasi kung ayaw sa akin ng isang tao. Fine, hindi naman kawalan, e. Masaya naman ako at meron naman akong ibang friends.

"Tungkol sa pagso-sorry, bakit ako magso-sorry kung wala naman akong kasalanan, hindi ba? Ang nagso-sorry lang ay yung may kasalanan. Pero kung na-hurt talaga si Cristine sa biro ko, sorry na nga," nakangiting pagtatapos na niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young sexy actress Katrina Halili (center) is again in the middle of controversies. First is the issue that she is competing with her Lupin co-star Ehra Madrigal (right), and the other one is her rift with co-StarStruck graduate Cristine Reyes (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results