Carlo prefers Valerie's sexy pictorials over Angelica's?

Apr 24, 2007
Valerie Concepcion or Angelica Panganiban as covergirl? Carlo Aquino admits that he has a copy of the men's magazines that have Valerie Concepcion (left) on the cover, while he doesn't keep a copy of those featuring Angelica Panganiban (right) on the cover.


Aminado si Carlo Aquino na may posibilidad na ma-in love siya sa isang katulad ni Valerie Concepcion na may anak na sa pagkadalaga. Leading lady ni Carlo si Valerie sa Sinasamba Kita, ang kauna-unahang handog ng Sine Novela ng GMA-7.

Endearing para kay Carlo ang pagiging madaldal at makulit ni Valerie, na taliwas naman sa pagkatao ni Carlo na seryoso at laging tahimik.

Kapani-paniwala nga ito dahil would you believe na may kopya si Carlo ng glossy men's magazines na si Valerie ang cover, pero wala siyang kopya ng men's magazines na cover ang dating girlfriend ng young actor na si Angelica Panganiban?

Ang rason ni Carlo nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) late last week sa SM North Edsa, hindi siya nagkaroon ng chance na bumili ng magazines na si Angelica ang cover. Kung meron man daw siya ng kay Valerie, ipinahiram lang yun sa kaniya ng kaniyang pinsan at hindi siya mismo ang bumili.

Continue reading below ↓

Wala siyang anumang reaksiyon sa pagpapa-sexy ni Angelica sa men's magazines. Okay lang daw ito kay Carlo.

Pantasya ng mga kalalakihan both sina Valerie at Angelica, at si Carlo naman ay pantasya ng mga kababaihan at ng mga bading.

Kaugnay nito, may isang milyonaryong bading na hindi taga-showbiz diumano ang nagkakainteres kay Carlo. Umiikot nga ang usap-usapan na handa raw magbigay ng kahit na magkano ang nasabing gay millionaire, mapasakanya lamang ang dating child actor.

Hindi naman na-offend si Carlo nang tanungin namin about this. In fact, natawa at nagulat pa nga siya dahil first time niya raw nalaman na may ganito palang balita about him.

Ang sagot ni Carlo about this, wala siyang sini-sino—babae man, lalaki, bakla or tomboy—pantay-pantay raw ang pagtingin niya sa mga ito bilang tao.


If ever raw dumating ang time na lapitan at kausapin nga siya ng naturang bading, pakikiharapan niya raw ito nang maayos. Kapag tao raw siyang kinausap ay tao rin niya itong pakikitunguhan. And with so much respect and without being offensive, tatanggihan nito ang anumang iaalok sa kaniya kapalit ng kaniyang pagkalalaki.

Kaugnay nito, alam ni Carlo na kapag dumating ang time na may offer sa kaniya to portray the role of a gay man in a movie or a television project, alam niyang kakayanin niyang umarte bilang isang bading kaya tatanggapin niya ito.

As a TV star, freelancer si Carlo. He has the freedom to work for both GMA-7 and ABS-CBN.

Ang papel niya sa Sinasamba Kita ang pinaka-challenging role niya so far dahil believe it or not, gaya ng isang gay role, never pa ring naging kontrabida si Carlo sa kahit na anong acting projects niya before. Lagi siyang inaapi, kaya for a change, happy siya na as Oscar, siya naman ang bad guy.

Kasama ni Carlo sa Sinasamba Kita sina Sheryl Cruz bilang Divina, Wendell Ramos bilang Jerry, at si Valerie bilang si Nora. Magsisimula ang Sinasamba Kita sa April 30 on GMA-7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valerie Concepcion or Angelica Panganiban as covergirl? Carlo Aquino admits that he has a copy of the men's magazines that have Valerie Concepcion (left) on the cover, while he doesn't keep a copy of those featuring Angelica Panganiban (right) on the cover.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results