John Lapus reacts to rumor about the ashes of his late father

Apr 27, 2007
"Paano naman nila nalaman na abo ng pusa ‘yon? May amoy ba ang abo ng pusa? Hindi ko maisip kung paano sila nag-create ng ganung chika na nakakaloka!" says John "Sweet" Lapus about a rumor accusing him of giving a dead cat's ashes to the second wife of his late father.


Hindi pa rin tinatantanan si John "Sweet" Lapus ng intriga sa ibinigay nitong mga abo ng kanyang yumaong ama, ang screenwriter na si Jojo Lapus, sa second wife nito.



Naloka nga raw si Sweet sa kumalat na balitang mga abo ng patay na pusa ang ibinigay niya sa second wife ng kanyang yumaong ama. Ayon kay Sweet, imposibleng mangyari ‘yon, dahil noong hatiin niya ang mga abo mula sa cremated body ng kanyang ama, nandoon daw silang lahat at nakita naman daw nila na galing sa iisang urn ang naturang mga abo.



"Nakakaloka talaga ang balitang ‘yan!" natatawang kuwento ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press con of Showbiz Central. "Imposibleng abo ng patay na pusa yung ibinigay ko dahil galing yun sa mismong urn ng tatay ko. Nandoon kaming lahat noong hatiin ko yung abo. Kung pusa ang ibinigay ko sa kanila, natural na pusa rin ang napunta sa akin, di ba?

Continue reading below ↓



"Noong una kong narinig ‘yan, nainis talaga ako kasi ano naman ba ang akala nila sa akin? Masama ba akong tao para lokohin ko ang mga taong ito? E, minahal sila ng tatay ko. Sabihin na nating mas may karapatan kaming unang pamilya niya, pero hindi ko naman magagawang lokohin sila."

Hirit pa ni Sweet, "Tsaka paano naman nila nalaman na abo ng pusa ‘yon? May amoy ba ang abo ng pusa? Hindi ko maisip kung paano sila nag-create ng ganung chika na nakakaloka!"

Samantala, nagtapos man ang S-Files ay kasama pa rin si Sweet sa kapalit nitong programa, ang Showbiz Central. Kung sa S-Files ay segment host lang si Sweet, dito sa Showbiz Central ay isa na siya sa main hosts, kasama sina Pia Guanio at Raymond Gutierrez.



"Hindi ko naman siyempre solo ang show na ito dahil kasama ko ang ‘Chika Minute' Queen na si Pia Guanio at ang Hollywood insider namin na si Raymond Gutierrez. Masaya lang ako because nabigyan kami ng magandang kapalit ng S-Files. Isa itong walang takot na showbiz show at hahalukayin namin ang mga balita. Hitsurang mademanda kami!" sabay tawa ni Sweet.

Continue reading below ↓



Masasabi ngang bihasa na si Sweet sa mga showbiz controversies dahil sa experience niya sa pagtrabaho sa mga nagdaang showbiz programs.



"Sa dami ng showbiz shows na sinalihan ko, masasabi kong sobra-sobra na ako sa experience. Naging part pa ako noon ng production at research team, kaya armed and ready na ako sa mas matitindi pang mga showbiz balita na makukuha ng Showbiz Central," sabi ng nakangiting Sweet.

Read Next
Read More Stories About
John Lapus, Showbiz Central
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Paano naman nila nalaman na abo ng pusa ‘yon? May amoy ba ang abo ng pusa? Hindi ko maisip kung paano sila nag-create ng ganung chika na nakakaloka!" says John "Sweet" Lapus about a rumor accusing him of giving a dead cat's ashes to the second wife of his late father.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results