Kris Aquino and baby James to check out of hospital April 29

Apr 27, 2007
Kris Aquino and her newborn son, baby James, are scheduled to check out of Makati Medical Center on Sunday, April 29, ten days after the TV host-actress gave birth to her first child with basketball player James Yap.


Nakatakda nang lumabas ng Makati Medical Center (MMC) ang TV host-actress na si Kris Aquino sa Linggo, April 29. Lalabas ng ospital si Kris before lunch, na naaayon sa regular check-out time ng mga pasyente sa private hospitals.

Saktong ika-sampung araw ni Kris sa MMC simula nang pumunta siya noong April 19 for her regular check-up lang sana, ngunit natuluyan na sa kanyang panganganak kay baby James.

Sa Linggo rin matatapos ang 10 days ng pagti-take ng antibiotics ni baby James dahil sa nakakain ito ng sarili niyang dumi, na naging sanhi ng infection. Sabay nang magtse-check-out ng ospital sa Linggo si Kris at ang kanilang panganay na anak ni James Yap. Taliwas ito sa naiulat na maiiwan pa sa ospital si baby James pag lumabas si Kris.

From the hospital, diretso sa unit nila sa Oakwood sina Kris at baby James. Nilinis na rin ang kuwarto nila, pati na ang banyo ng mag-ina sa condo. Sa totoo lang, bago pa man nakapanganak si Kris ay maayos nang nakahanda ang gamit nila sa bahay, especially yung mga susuutin ni Baby James.

Continue reading below ↓

Matutunghayan ang buong detalye ng paglabas nina Kris at Baby James ngayong Linggo sa programa na rin ni Kris, ang The Buzz. At sa unang pagkakataon, posibleng ipakita ni Kris sa publiko si baby James.



Samantala, may mga balita na mawawala na sa ere ang programa ni Kris sa tanghali na Pilipinas, Game KNB? (PGKNB). Pero nilinaw ng aming source, na kasama sa production team ng naturang programa, na hindi raw mawawala ang game show ni Kris. Babaguhin lang daw nila ang mechanics ng game, kahit pa iba na ang kasalukuyang format ng game show sa format nito nang host si Kris.



Sa pagbabalik ni Kris sa PGKNB, baka doon na lang magsimulang laruin ang bagong mechanics ng game. Dahil kailangang aralin pa ni Kris nang husto ang bagong mechanics, nag-aalangan ang aming source na baka July na muli maghu-host si Kris para sa PGKNB.



But knowing Kris, na fast learner at sobrang na-miss na ang paghu-host, posibleng umapir na rin siya sa PGKNB sa June, dalawang buwan lamang mula nang manganak ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino and her newborn son, baby James, are scheduled to check out of Makati Medical Center on Sunday, April 29, ten days after the TV host-actress gave birth to her first child with basketball player James Yap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results