Jolo Revilla now in good terms with Osang and Grace

Apr 27, 2007
Jolo Revilla is now open to the possibility that he and Grace Adriano will not get back together. Jolo, however, is happy that his relationship with Grace and her mother, Rosanna Roces, is back to normal.


Gustong maniwala ni Jolo Revilla na maayos na ang lahat sa pagitan niya at ng mag-inang Rosanna Roces at Grace Adriano.

Sa panayam kay Jolo ng programa ni Pat Daza-Planas na Showbiz Ka sa RPN-9, ipinahayag ng young actor na finally ay maayos na ang relasyon niya sa pamilya nina Rosanna. Nagagampanan na rin daw niya ang kanyang papel bilang ama ni Gab, ang anak nila ni Grace. Muli na rin daw niyang nabibisita at naaalagaan ang anak niya at naiuuwi na rin niya ito sa tahanan ng mga Revilla sa Cavite.

Tanggap na rin ng batang-ama na hindi sila magkakabalikan ng anak ni Osang. Bukod daw kasi sa may kanya-kanya na silang karelasyon ngayon, mas nagiging mabuti raw ang sitwasyon nila kapag wala silang commitment o involvement sa isa't isa, maliban sa pagiging magulang nila sa magdadalawang taong gulang na anak.

Nakabalik na mula sa US si Jolo dahil natapos na nito ang high-school course niya. Naririto raw siya upang magkolehiyo at makasama ang pamilya. Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Marketing sa San Beda College.

Continue reading below ↓

Tila bukas din si Jolo sa usapin ng pagpasok sa pulitika, gaya ng kanyang ama na si Senator Bong Revilla at ang iba pa nilang mga kaanak.

"Siguro po by 2010 ay susubukan kong pumasok sa politics. Gusto ko pong sundan ang landas ng aking ama," sabi ni Jolo.

Twenty years old na ang pangalawang anak nina Bong at Lani Mercado, at tila sa murang edad nito ay marami na itong nais gawin sa kanyang buhay.

"Dala po siguro nang maaga kong pagkakaroon ng responsibilidad at pagharap sa matitinding mga problema," tugon pa nito.

Nang hingan siya ng reaksyon sa kuwentong dinala diumano ni Osang ang kanyang anak sa karerahan, sinabi ni Jolo na hindi siya naniniwala rito.

"Sana naman ay hindi," sagot nito, sabay paliwanag na siguradong ang mabuting kapakanan at intensyon lamang para sa anak ang tiyak na ginagawa ng pamilya nina Osang.

Bagama't marami ang nagsasabing totoong dinala—may kumpirmasyon pa diumano si Osang, na lumabas sa mga tabloid—nga ng aktres ang apo sa karerahan nang minsan niya itong inalagaan, gustong isipin ni Jolo na tsismis lang ang nasabing isyu.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolo Revilla is now open to the possibility that he and Grace Adriano will not get back together. Jolo, however, is happy that his relationship with Grace and her mother, Rosanna Roces, is back to normal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results