Kristine Hermosa's family postpones plan to migrate to Canada

Apr 27, 2007
Kristine Hermosa's elder sister, Kathleen (right), tells PEP that their family's plan to migrate to Canada has been postponed.


Naudlot ang pagmi-migrate sa Canada ng pamilya ni Kristine Hermosa.

Ang nakatatandang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa ang nagkuwento sa amin na naguluhan ang Canadian Embassy sa kanilang intensiyong pag-alis ng Pilipinas.

Lumipat raw sila ng bahay kaya hindi nila natanggap ang notice ng Canadian Embassy sa schedule ng pagpunta nila sa embassy. Nakiusap din ang nakababata nilang kapatid na si Max na dito sa Pilipinas ipagpatuloy ang pag-aaral ng high school at college.

Upang hindi mapasama sa Canadian Embassy, minabuti ng pamilya ni Kristine na ipagpaliban muna ang pagma-migrate nila sa Canada.

Nasa New York ngayon ang ina nina Kathleen at Kristine na si Mai Hermosa. Hindi nasabi ni Kathleen kung ano ang ginagawa ng ina nila sa Amerika, pero malapit na raw itong dumating.

Nasa ibang bansa rin raw ang "daddy" nila. Nakiusap si Kathleen na huwag nang pag-usapan kung sino ang biological father at stepfather nila para hindi ma-offend ang iba niyang mga kapatid sa ina.

Continue reading below ↓

Samantala, nanatiling "civil" ang treatment ng kanilang ina sa kasintahan at sinasabing live-in partner ni Kristine na si Diether Ocampo.

Tumangging magbigay ng detalye si Kathleen sa rason ng matagal na ring pagtutol ng kanilang ina sa pagmamahalan nina Kristine at Diet. Nasambit lang ni Kathleen na ang Mommy nila ay gaya lang ng ibang ina pagdating sa makakapareha ng mga anak.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristine Hermosa's elder sister, Kathleen (right), tells PEP that their family's plan to migrate to Canada has been postponed.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results