Franzen Fajardo's wife reacts to legal separation case filed by her husband

Apr 29, 2007
"Sana huwag niyang pagsisihan balang-araw ang mga ginagawa niyang ito sa akin," says Love Joy Fajardo (not in photo) about the legal-separation case filed by her husband, Franzen Fajardo.


Nag-react ang misis ni Franzen Fajardo na si Love Joy Rodrigo Fajardo sa mga sinabi ng dating Pinoy Big Brother housemate, na lumabas dito sa Philippine Entertainment Portal (PEP) kahapon.

Unang sinagot ni Love Joy ang isyu ng pagpapautang niya sa perang kinikita ni Franzen. Sinabi ni Love Joy na ang nakarating kay Franzen ay ipinapa-5-6 niya ang pera nito. Pero mariin niya itong pinabulaanan.

"Nasa 23,000 pesos ang kabuuang halaga ng perang pinapaikot ko," paliwanag ni Love Joy, "pero hindi siya matatawag na 5-6 dahil ang ibinabayad sa akin ay kaban ng bigas. Dun kasi sa amin sa Tabuc, Kalinga Apayao, ay pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao. So kapag kumuha sila sa akin ng isang libong piso, ang kapalit nun ay isang kabang palay pagdating ng anihan. At bago dumating ang anihan ay nasa lima hanggang anim na buwan ang kailangang hintayin. Pakabanan po ang tawag sa amin dun."

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Joy na hindi lingid sa kanyang asawa ang lahat ng gastusin nila dahil lahat ng perang nababawas sa kita ni Franzen ay inire-record niya.

"Alam niya kung saan napupunta lahat ng perang ibinibigay niya sa akin, kaya nagtataka ako kung bakit ginagawa niyang isyu ang pera," aniya.

Ipinagtanggol na rin ni Joy ang sarili sa akusasyon ni Franzen na may lalaki siya. Bagama't hindi ito diretsahang binanggit ni Franzen sa panayam ng PEP, ayon kay Joy ay nakasaad naman iyon sa dokumento ng legal separation bilang isa sa mga grounds ng pakikipaghiwalay sa kanya ng asawa. Sa katunayan, isang nagngangalang Jojo o Kadyong ang itinuturo ni Franzen na karelasyon ni Joy.

"Third cousin ko po yung Jojo na sinasabi niya. Inaamin ko po na naging boyfriend ko siya nung nasa college ako, pero nang pagsabihan kami ng parents namin na itigil ang aming relasyon dahil magpinsan pala kami ay sumunod kami. After nung kay Jojo, nagkaroon pa ako ng ibang boyfriend bago kami nagkakilala ni Franzen dito sa Maynila," patuloy na esplika ni Joy.

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Joy na nagdadalantao siya ngayon, at ang higit na ikinasasama ng loob niya ay ang pinalalabas ni Franzen na hindi ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Kaugnay nito, buong tapang na hinamon ni Joy ang asawa na sumailalim sila sa DNA test para mapatunayan kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

"Okay lang kung ayaw niyang kilalanin ang ipinagbubuntis ko, pero hinahamon ko siya na magpa-DNA test kami. Ang hirap sa kanya, masyado niya akong pinasasama. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ibang kuwento na inilagay niya sa mga dokumento. Ang sa akin lang, sana huwag niyang pagsisihan balang-araw ang mga ginagawa niyang ito sa akin," himutok pa ni Joy.

Binanggit din ni Joy na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Franzen nang samahan niya ito sa taping ng Trip Na Trip sa Boracay. Pinagsasabi nga raw ni Franzen na sinampal siya ng asawa, ngunit ayon kay Joy ay wala raw itong katotohanan.

Continue reading below ↓

"Hindi totoong sinampal ko siya. Pero inaamin ko, minura ko siya dahil sa nakita kong ginagawa nila nung isang kasama niya sa production. Alam 'yan ng mga kasamahan nila, pero ayoko na lang pangalanan yung babae dahil may ibang madadamay," bulalas pa ni Joy.

Dagdag pa niya na sobrang ikinagalit niya ang turing sa kanya ni Franzen na animo alalay kapag sinasamahan niya ito sa taping.

"Asawa po niya ako, pero parang PA [personal assistant] kung ituring niya ako, kaya napuno na talaga ako at nagalit sa kanya noon," aniya.

Naniniwala rin daw si Joy na may ibang involved sa likod ng ginagawang paghahain ni Franzen ng legal separation. Alam daw niya na may nagsusulsol sa kanyang asawa kaya nito nagawa ang gayon.

Sabi ni Joy, "Kung si Franzen lang, alam kong hindi niya magagawa yung nakasulat sa document ng legal separation. Asawa ko siya kaya alam ko ang capacity niya. Ipinagtataka ko lang ay kung bakit nagpadala siya sa mga sulsol. Pati anak naming si Ranz natitiis niyang hindi makita. Hindi ko maintindihan kung paano niya naaatim na gawin ito sa amin.

Continue reading below ↓

"Nung minsan nga nagpadala siya ng groceries para sa aming mag-ina, pero hindi ko iyon tinanggap. Pinabalik ko sa kanya dahil gusto pa niya ay pirmahan ko yung papel na kasama nung mga sabon, noodles, toothpaste, at gatas na laman nung groceries. Pakiramdam ko masyado na niya kaming binubusabos at pinagmumukhang kaawa-awa."

Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Joy sa kanyang asawa: "Alam niya kung ano ang totoo. Sana lang kayanin ng konsensiya niya ang ginagawa niya sa aming mag-iina ngayon." Kabilang sa tinutukoy ni Joy ay ang sanggol na dinadala niya sa sinapupunan ngayon na ayaw diumano kilalanin ni Franzen.

Read Next
Read More Stories About
Franzen Fajardo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sana huwag niyang pagsisihan balang-araw ang mga ginagawa niyang ito sa akin," says Love Joy Fajardo (not in photo) about the legal-separation case filed by her husband, Franzen Fajardo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results