Sharon and Kiko celebrate their 11th wedding anniversary

by Pilar Mateo
Apr 30, 2007
"Ever since we got married kasi, even when we started it out, we've always made it a point to have the Lord in the center of our relationship. And we've always believed na it will only work out kung ang nasa sentro ng aming pagsasama, e, ating Panginoon," says Kiko Pangilinan about his marriage to Sharon Cuneta.


Noong April 28 ay nag-celebrate ng kanilang 11th wedding anniversary ang mag-asawang Sharon Cuneta at Francis "Kiko" Pangilinan sa tahanan nila sa Laguna, kasama ang kanilang dalawang anak na sina Frankie at Miel.



Sa anniversary party cum presscon na ibinigay sa kanila ni Mother Lily Monteverde kagabi, April 29, sa Imperial Palace Suites, ay very excited na ikinuwento ni Kiko sa entertainment press na pinaringgan sila ng panganay na si Frankie ng mga piyesa. Frankie played the violin sa saliw ng four-string quartet ng Manila Symphony Orchestra!



Nagpalitan din daw sila ni Sharon ng mga love letters on the occasion of their 11th wedding anniversary.



"I gave her a letter, saying the 11 reasons why our marriage is a blessing," Senator Kiko says to PEP. "Ever since we got married kasi, even when we started it out, we've always made it a point to have the Lord in the center of our relationship. And we've always believed na it will only work out kung ang nasa sentro ng aming pagsasama, e, ating Panginoon.

Continue reading below ↓



"That is one of the most important reasons. Yung iba naman, I am thanking her for the laughter, the humor that we share, how we always enjoy a good meal together—kasi Kapampangan ako, e—at marami pang iba. More of my gratitude for her being in my life."

Kuwento pa ni Kiko, "Siya naman, binigyan niya ako ng tatlong iba't-ibang cards na lahat sinasabing ‘I love you!' Na sa bawat card naman, ipinapaliwanag niya rin ang mga dahilan why she's so thankful that, after all these years, magkasama pa rin kami."



In all the years of being together, which year was the stormiest?

"Every year stormy, e!" tawa ni Kiko. "Seriously, hindi naman kami nawalan ng challenge as far as our relationship or marriage is concerned. And I think that's what makes it interesting."



Dagdag pa ng mag-asawa, wala sa materyal na bagay ang pagsasalo nila sa kanilang matibay o matatag na pagsamama. Although naaalala rin ni Shawie ang mga little things that Senator Kiko has showered her with.

Continue reading below ↓



"Nung buntis ako kay Miel, he gave me a bracelet with charms na Bulgari. This anniversary, along with the five-page letter of the 11 reasons why our marriage is special, is a bouquet of tulips—yung orange na may green sa gitna. We're not really materialistic, it doesn't happen that often. Kasi, mas gusto naming pareho yung cards and letters lang ang ibinibigay namin sa isa't isa," sabi ni Sharon.

Matatandaang nagkakilala sina Sharon at Kiko sa kasal ng kapatid ng senador na si Anthony Pangilinan kay Maricel Laxa.

Mangiyak-ngiyak naman si Shawie sa pag-aasikaso ng bale nagsilbing "wedding anniversary coordinator" nila na si Mother Lily. Idagdag pa ang pagdalo ni Judy Ann Santos, co-star ni Sharon sa Magkapatid, na siyang nagpapatak sa luha ng Megastar that night.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ever since we got married kasi, even when we started it out, we've always made it a point to have the Lord in the center of our relationship. And we've always believed na it will only work out kung ang nasa sentro ng aming pagsasama, e, ating Panginoon," says Kiko Pangilinan about his marriage to Sharon Cuneta.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results